^

Punto Mo

‘Tokhang’ sa mga nasa narco-list!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Matapos pangalanan ang mga barangay officials na nasa narco-list ng PDEA, eto na at papasok na rito ang pulisya kung saan plano nilang i-tokhang ang mga ito.

Kakausapin at igigiit na iwanan na ang masamang gawain at kung hindi naman titigil, aresto at kaso na ang posibleng kaharapin ng mga ito.

Napuna rin ng pulisya na sa media, nagpapaliwanag ang mga sinasabing nasa narco-list.

Hikayat nila sa mga ito, sa pulisya magbigay ng linaw.

Balido naman umano na sinusuportahan ng ebidensya ang narco-list, kaya nga kanilang pagpapaliwanagin ang mga opisyal, kakausapin para mangakong iiwan na ang mga ilegal na aktibidades.

Nakatakda rin silang magsagawa ng lifestyle check sa mga ito.

Bagamat may mga umayon sa paglalantad sa mga nasa narco-list, dahil ‘nahubaran’ umano ang ilang tiwaling opisyal sa barangay na pwedeng makatulong sa mga botante lalu pa nga’t nalalapit na ang Brgy. at SK elections.

Gayunman, meron din naman na hindi nagustuhan ang paglalantad sa mga pangalan, lalu pa nga at sinasabing mistulang hindi na-update ang naturang listahan.

Meron kasing nasa listahan na may ilang taon nang patay, kaya ayun medyo may ‘sablay’.

Maging si Sen. Panfilo Lacson na naging PNP chief, hindi rin pumabor sa paglalabas ng pangalan sa narco-list.

Maituturing daw umano na intelligence report ang listahan na pwede sanang magamit sa pagkalap ng mga ebidensya para sa pagsasampa na ng mga  kaso.

Gaya nga nang nasabi na natin noong una, anut-anuman , nailabas man o hindi ang naturang listahan nasa botante pa rin ang pagpapasya kung sino ang kanilang iboboto.

Kung may epek ba o wala lang ang paglalantad sa narco-list sa mga nais nilang iluklok sa darating na halalan.

Ang mga botante pa rin ang siyang pipili ng kanilang iboboto.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with