^

Punto Mo

Pesteng kalsada sa Masbate!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

BUKOD sa kampanya kontra iligal na droga, tutok din ang administrasyong Duterte sa Build, Build, Build project ng gobyerno.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, mayroong 8 road classification ang sinusunod dito sa bansa – national primary, national secondary, national tertiary, provincial roads, municipal and city, barangay roads, expressways at bypasses.

Isa lang sa mga ‘yan ang palyado, siguradong perwisyo ang hatid sa publiko.

Katulad nitong inireklamo sa Kilos Pronto, ang kalsada sa Bgy. Uson, Masbate, maputik na baku-bako pa! Imbes na ayusin, tinambakan lang ng buhangin para madaanan.

Hindi na bago ang reklamong ito. Pang-apat na beses nang inireklamo ang probinsiya ng Masbate dahil sa palpak nilang kalsada. Pero kakaiba ang isang ito dahil 10 dekada na nilang iniinda ang problema! Naisip ko, ano kaya ang ginagawa ng mga nasa lokal na pamahalaan dito?

Siguro mga nakahilata lang sila sa opisina habang nagkakamot ng kanilang mga bombolyas. Susmaryosep ilang administrasyon na rin ang dinaanan niyan!

Hindi ko maintindihan, bakit ang titigas ng bumbunan ng mga hinayupak! Inihalal kayo ng taumbayan para maglingkod at magserbisyo publiko, hindi para gumawa ng bogus na proyekto sabay silid ng kuwarta sa inyong mga bulsa!

Pukaw na mo! ‘Yung mga pangako n’yo nung eleksyon, hanggang ngayon nga-nga?! Paano pa kayo pagkakatiwalaan ng taumbayan sa trabahong ‘yan?

Hindi na pinaabot pa sa tanggapan ng Department of Public Works and Highways ang reklamong ito dahil lokal na pamahalaan ang may hawak ng proyekto. Hindi na rin iniakyat pa sa Department of Interior and Local Government para gisingin ang munisipyo ng Masbate.

Mismong Public Information Officer ng nasabing probinsiya, nangakong aaksiyon sa reklamo. Nangakong siya mismo ang magbibigay ng update sa Kilos Pronto oras na maplantsa na ang gusot. E di sige, magaling, tututok kami.

Kaya saan mang dako kayo ng mundo, bukas ang tanggapan ng Kilos Pronto sa anumang uri ng reklamo. Hindi kami pag-aari ng mga higanteng network na namimili o nagre-reject ng mga nanghihingi ng tulong. Asahan n’yo na hindi ito papoging serbisyo publiko, bukal sa loob at kilos prontong aksiyon ang ibibigay namin sa inyo.

vuukle comment

BUILD BUILD BUILD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with