^

Punto Mo

Bata ni Garbo, tong collector ng NCRPO?

SUPALPAL! - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report: Sagradong bata ni retired Gen. Marcelo Garbo si Baby Marcelo ang over-all tong collector ng National Capital Region Police Office (NCRPO). Ang impluwensiya ni Garbo noong nasa active service pa ang ginamit ni Marcelo kaya mahigit isang dekada siyang tong collector ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG). Naging No. 2 man si Garbo ng PNP sa panahon ni P-Noy kaya walang makasulot kay Marcelo sa CIDG. Subalit nahinto pansamantala ang grasyang pumapasok kay Marcelo matapos matanto ni CIDG chief Dir. Roel Obusan na “nasunog” nito ang pitsa para sa mga kausap nila. Subalit matapos maupo sa NCRPO si Dir. Camilo Cascolan, si Marcelo ang napisil niyang tong collector. Nagbabayad kaya ng “utang na loob” si Cascolan kay Garbo? Tanong lang po! Si Garbo mga kosa ay isa sa limang police generals na inakusahan ni Digong na sangkot sa droga. Subalit hanggang ngayon, wala pa namang linaw kung ano ang kinalabasan ng akusasyon ni Digong kina Garbo at mga kasamahan niya. At kung kakasuhan ni Digong si Garbo, tiyak may pondo na siyang mapagkunan dahil tuloy ang tulo ng gripo ng bata niyang si Marcelo, di ba Bong Cascolan Sir? Hak hak hak! Kaanu-ano kaya ni General Cascolan si Bong na umano’y taga-Customs?

• • •

Wais talaga si Chairman Alvin Start ng Bgy. 580 Zone 56 Sampaloc, Manila dahil napagla-langan niya ang mga tauhan ni MPD Chief Supt. Jigs Coronel. Kasi mga kosa, ilang araw nang binabantayan ng mga tauhan ni Coronel ang mga butas ni Start sa bahay ni Rey Manuel sa 799 Palawan St.; sa bahay ni Romy Leonen sa 691 Domingo Santiago St., at sa bahay ni Letty Parallag sa 720 Domingo Santiago St. subalit hindi talaga ito maaktuhan. Ang ginawa kasi ni Start, ayon sa mga kosa ko, nasa itaas na ng bahay ang tayaan at sa ibaba naman ang monitoring niya kaya paano huhulihin ito ng mga tauhan ni Coronel kung walang ebidensiya? Hehehe! Baka kailangan na ng search warrant ang mga butas ni Start, ano sa tingin mo General Coronel Sir? Kung sabagay, konting tiyaga lang at sa tingin ko maisahan din ng mga tauhan ni Coronel si Start. Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Kung wais si Start sa negosyo niya, mautak din siya pagdating sa labanan sa pulitika, di ba kosang Darwin delos Santos? Kaya ko naman nasabing mautak si Start dahil sinigurado niyang sa kanya ang boto ng mga personnel ng bookies ng karera niya tulad ng runner, at kubrador at pinag-swimming niya sa Porac, Pampanga noong March 29 at 30. Nagpa-swimming din noong Abril 26 sa Angono, Rizal ang kampo ni Start at ang mga hinakot ay ang mga residente ng tinatawag na Balutan, na compound ng dating Glenmore Shoes, sa Palawan St., kung saan may 200 botante roon. Hindi sumipot si Start sa Angono subalit nandon ang kanyang kapatid na si Mia at asawang si Rowell Zapanta, na kandidatong kagawad naman. Dahil nakapag-file na ng certificate of candidacy si Zapanta, sa tingin ko bawal ang outing na ito, ano sa tingin mo Comelec spokesman James Jimenez Sir? Sa naturang swimming, nangako si Zapanta na sa grupo na pinangungunahan ng isang alyas Josie, na magpapamudmod sila ng pitsa bago mag-election sa Mayo 14. Hak hak hak! Kailangang bantayan ng Comelec ang election sa Bgy. 580 Zone 56 para hindi makapanlamang ang grupo ni Start sa tropa ni kosang Darwin. Get’s mo kosang Buboy?

Si Mia Start mga kosa ang bagman o taga-abot ng weekly payola ni Start sa Presinto 4, sa CIDG at maging sa MPD. Dahil hindi nila masagot ng maayos ang akusasyon laban sa kanila, aba nag-post si Mia Start sa FB at tinawag ang Supalpal na bayaran na media. Hehehe! Magkano kaya? Kung sa tingin ni Start at kapatid na Mia ay hihinto ang Supalpal sa pagbatikos sa mga ilegal at panlalamang nila, nagkamali siya, di ba kosang Joel? Uulitin ko, hindi ko kaaway si Start dahil hindi ko siya kilala. Palagi ko lang naririnig ang mga reklamo laban sa kanya kaya naging topic siya ng Supalpal. Sa totoo lang, alam naman ni Start na ilegal ang pinasok niya kaya handa dapat siyang suungin anuman ang problemang idudulot nito sa kanyang buhay at pamilya. ‘Wag ‘yung kung sinu-sino na ang inaaway niya. Get’s n’yo mga kosa? Abangan!

vuukle comment

NCRPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with