^

Punto Mo

Karahasan sa halalan, bantayan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Habang papalapit nang papalapit ang Brgy. at SK elections, sunud-sunod naman ang nagaganap na karahasan partikular ang pagpaslang sa mga kandidato.

Kamakalawa isang negosyanteng tatakbong kagawad sa Pasay sa nalalapit na halalan ang itinumba ng tandem. Isa sa mga suspect ay babae at siya pang tumarget sa biktima na hindi na umabot pang buhay sa pagamutan.

Sa mga lalawigan, sa nakalipas na linggo sunud-sunod din ang insidente ng pagpaslang sa mga sinasabing tatakbo sa halalan.

Ipinapakita lang nito na talagang mainit ang magiging labanan sa lebel ng barangay sa dara­ting na halalan.

Mahigit 5,000 ang itinuturing hot spots na tinututukan ng mga awtoridad.

Eto nga pala ang mga pagpaslang o pag-atake sa mga kandidato ay nagaganap sa kabila nang ipinatutupad na gun ban.

Mukhang nalulusutan ang pulisya, sa kabila ng mga itinatag at pinalakas na checkpoint.

Eto ngayon, malapit na ring magsimula ang mga kampanya o campaign period para sa naturang halalan na dito dapat mas mahigpit na pagbabantay ang kailangan.

Siguradong puspusan ang gagawing mga kampanya ng mga kandidato at dahil sa maliit na lugar lang ang kanilang iikutan hindi malayong magsalubong ang landas ng mga magkakatunggali.

Dito dapat maantabayan ang kanilang mga supporters na madalas dahil lamang sa kantiyawan , pwedeng pagsimulan ng matinding kaguluhan.

 Isa pa sa dapat bantayan dito ay ang pananamantala ng ilan pang armadong grupo na pwedeng gamitin ang pagkakataon o ang isasagawang halalan sa paghahasik nila ng mga kaguluhan o para sa kanilang mga sariling interes.

Sana ay matigil na ang pagdanak ng dugo at harinawa’y maisagawa ang halalan ng maayos at payapa.

Ito ang ating aantabayanan.

vuukle comment

ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with