^

Punto Mo

Abusadong chairman, bawal ‘yan!

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

MAINIT ang isang Kilos Pronto segment namin nitong nakaraan. Ang reklamo, pambubugbog sa isang binatilyo.

Ang binatilyong mula Tondo, napagkamalang magnanakaw. Salaysay ng biktima, pinosasan siya ng mga tanod, dinala sa barangay hall at doon ginulpi.

Ito’ng matindi, imbes na umawat, nakisali pa raw sina kagawad at si Chairman Reynaldo Go! Pambihira.

Bugbog-sarado pa ang nagrereklamo nang sumugod sa aming tanggapan. Kita pa ang sugat at pasa sa buong katawan.

Dinala sa pulis pero wala ring nangyari. Binalik din sa barangay dahil sa kakulangan sa ebidensya.

Anong mali rito? Ang isang suspek, kahit may kasalanan, hindi pwedeng saktan. Klaro itong pinaliwanag ni DILG Undersecretary Martin Diño kay chairman.

Kahit na huling-huli na namingwit ng mga brief itong binatilyo, hindi dapat kinakanti. Wala sa kamay ng tao ang batas.

Mananagot ang mga tanod pati ang mga opisyales ng barangay dahil sa insidenteng ito. Alam na alam ito ni Usec. Diño dahil dati rin siyang barangay chairman.

Mga boss, leksiyon ito para sa lahat ng mga opisyales, di lang para kastiguhin si Chairman Go. Bahala na si Usec. Diño sa kanya at sa kanyang paliwanag o palusot.

Ang trabaho ng barangay, tumulong sa paghuli sa mga inirereklamo at i-turnover sa pulis. Hindi puwede ang sisiga-siga at mabibigat ang kamay.

Marami na kaming na-encounter na mga ganito. Sinugod ko pa ang ilan sa kanila, mismo sa sarili nilang teritoryo.

Lalo na ngayong malapit na ang eleksiyon, dapat listo ang mga boboto. Suriin mabuti ang mga kandidato.

Kung sumusunod kayo sa aking mga kolum at mga palabas, inisa-isa ko na ang pamantayan ng matinong chairman. Oras naman na mangyari sa inyo ito, ilapit n’yo lang sa amin. Bibitagin namin sila, kilos pronto!

 

vuukle comment

ABUSADONG CHAIRMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with