^

Punto Mo

Bgy. officials na dawit sa droga, ilalantad na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Anumang araw ay ilalantad na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga pangalan ng mga barangay officials na kabilang sa narco-list o mga opisyal na sinasabing dawit sa operasyon ng ilegal na droga.

May ‘go signal’ na mula sa Malacañang na isapubliko na ang mga ito, kaalinsabay nga sa nalalapit na Brgy. at SK elections sa Mayo 14.

Siguradong kinakabog na ang mga ito, na alam naman nila kung sinu-sino sila at kung bakit sila nasa listahan.

Nasa 211 ang mga pangalan ng mga barangay officials, simula sa chairman, kagawad at maging mga tanod ang nakatakdang pangalan ng PDEA.

Nasa proseso na nang pagsasapinal kung paano ito ilalantad sa publiko.

Layunin nito, na hindi na muling maihalal pa ng mga botante ang kasama sa narcolist.

Naniniwala ang PDEA na ang mga barangay officials ang siyang ‘ front runner’ ng pamahalaan na dapat sana ay siyang tututok o susugpo sa paglaganap ng ilegal na droga pero ang iba ay sila pa umano ang pasimuno.

Kung hindi’ tulak’ ay nagbibigay naman ng proteksyon sa mga taong dawit dito.

Kumbinsido naman ang DILG na hindi umano maituturing na persekusyon ang pagsasapubliko ng PDEA sa pangalan ng mga brgy. officials na nasa narco-list.

Gabay na rin umano ito sa mga botante para mapag-aralan ang profile ng mga kandidato na tumatakbo.

Naku hindi pa dyan, natatapos ang mga politikong sinasabing dawit sa illegal drugs.

Sa record ng PDEA tumaas din ang bilang ng mga local government officials na nasa listahan ng narcopoliticians ni Pangulong Digong.

Mula sa 87 ay umakyat sa 93 na may posisyong congressman, governor, vice go., mayor at vice mayor ang nasa listahan.

Wala namang plano ang PDEA na ilantad ang mga pangalan ng mga ito, dahil pokus sila sa mga barangay officials dahil nga sa magaganap na brgy. election.

Pwedeng bago ang local elections ay ilabas din nila ang mga pangalan ng mga ito.

Aantabayanan natin ang pagsasapubliko ng mga pangalan, ganun din ang mga naging basehan o ebidensya laban sa mga ito.

vuukle comment

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with