^

Punto Mo

EDITORYAL - Smuggling ng agri products pinapatay ang local farmers

Pang-masa
EDITORYAL - Smuggling ng agri products pinapatay ang local farmers

PATULOY ang smuggling ng agricultural pro-ducts gaya ng sibuyas at bawang. Hindi natatakot ang mga smuggler at ginagawa ang lahat nang paraan para makapagpalusot. Kung anu-ano ang idedeklarang produkto para lamang makapasok. Halimbawa’y idideklarang mansanas ang laman ng container pero ang totoo, sibuyas ang laman.

Gaya ng nasabat na 17 refrigerated containers sa Manila International Container Port kamakalawa. Si Agriculture Sec. Manny Piñol umano ang nag-request kay Customs Commissioner Isidro Lapeña na buksan ang 17 containers. Nakatanggap umano si Piñol ng tip na sibuyas ang laman ng mga containers.

Mismong sina Piñol at Lapeña ang nag-utos na buksan ang mga containers pero bago nangyari iyon, maraming pagtutol mula sa mga tao sa Customs. Halatang may itinatago ang mga ito. Maraming dahilan, ayon kay Piñol gaya nang kailangan daw ay kaharap ang consignees bago buksan. Kailangan daw ay maraming kaharap na opisyal ng Customs at kung anu-ano pang mga dahilan.

Sabi ni Piñol, tila wala nang kinatatakutan ang smugglers at mga kakutsaba sapagkat kahit kaharap ang Customs commissioner ay patuloy pa ring nagpapalusot. Garapalan na umano ang nangyayaring smuggling.

Nang buksan ang mga containers, positibo ang tip kay Piñol sapagkat mga sibuyas nga ang laman galing ng Fujian, China. Mansanas umano ang dinideklarang laman ng containers sapagkat kapag dumaan sa xray machine, mapagkakamalang mansanas ang sibuyas.

Sabi pa ni Piñol, halatang mabilisan ang pagpapadala ng mga smuggled onions sapagkat kasama pa ang mga lupa nito. Hindi na nilinis at pagka-harvest ay deretso na sa container.

Mabuti at alerto si Piñol at nabuking ang mga sibuyas. Kung nakalusot, kawawa ang mga local na magsasaka ng sibuyas. Wala silang kikitain dahil ina­agaw ng smugglers. Dapat madakip ang consignees at mapatawan ng parusa. Dapat silang pagbayarin.

vuukle comment

AGRICULTURAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with