^

Punto Mo

Gamit ang family credit card bata sa Australia na napagalitan ng ina, naglayas at nakarating sa Indonesia

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 12 anyos na batang lalaki sa Australia na napaga­litan ng kanyang ina ang nagawang makarating ng Bali, Indonesia matapos siyang maglayas at dalhin ang kanilang family credit card.

Naglayas ang bata mula sa kanilang tahanan sa Sydney matapos silang mag-away ng kanyang ina. Matapos mapagalitan ay bumili ang bata ng airline ticket papuntang Perth kung saan bumili uli siya ng ticket papuntang Bali, Indonesia.

Pagkalapag ng Bali ay nag-check in ang bata sa isang hotel doon, nag-renta ng scooter, at uminom ng beer. Umabot ng 8,000 Australian dollars (katumbas ng P320,000) ang kanyang nagastos sa loob ng apat na araw na kanyang pamamalagi sa isla.

Natigil lamang ang pagwawaldas ng pera ng bata nang matagpuan siya ng mga pulis sa Indonesia na siyang nagbigay-alam sa mga kinauukulan sa Australia tungkol sa kanyang kinaroroonan.

Agad namang lumipad pa-Bali ang mga magulang ng bata upang sunduin ito.

Dahil sa nangyari ay binago na ng mga airline sa Australia ang kanilang mga patakaran ukol sa mga menor de edad na pasahero. Simula ngayon ay kailangan na ng mga pasaherong edad 12 pataas ng permiso ng kanilang magulang bago sila makasakay ng eroplano.

Dati kasi ay mga 11 anyos pababa lang ang binabawalang sumakay ng eroplano nang walang kasamang matanda.

vuukle comment

CREDIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with