^

Punto Mo

Ghost story na hindi pala!

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

PILIPINO sila na nag-migrate sa Canada. Isang buong mag-anak sila na lumipat ng Canada. Ang anak nila ay dalawang babae na parehong teen-ager. Unang tapak nila sa Canada ay panahon ng winter. Ang narentahan nilang bahay ay itinayo noong late 50s.

Habang tumatagal, nakakaranas na sila ng mga kakaibang pangyayari sa loob ng kanilang pamamahay. Halimbawa, si Maris na ina ng tahanan ay may makikitang babae na naglalakad sa kusina pero kapag nilapitan niya ay biglang mawawala.

Si Jojo na asawa niya ay magigising sa gabi dahil may mararamdaman siyang may nagbubukas ng pinto pero kapag nag-tsek siya ay wala naman. May panahon na may makikita siyang aninong naglalakad sa salas pero kapag binuksan ang ilaw, bigla itong mawawala.

Ang mga anak naman nila ay biglang naging sakitin. Madalas ubuhin o sumakit ang ulo. Noong nasa Pilipinas, sila ay honor students pero pagdating sa Canada, hindi na sila ganoon katalino.

Gigising si Maris na tumutunog ang telepono pero kapag dinampot ang telepono, tunog lang ng busy signal ang maririnig niya. May maririnig siyang tunog ng doorbell pero pagbukas niya sa pintuan, wala namang tao. Isang gabi, nagising si Jojo na may sumasakal sa kanya pero nang buksan ang ilaw, wala namang tao.

Sa pag-iimbestiga ng pamilya ni Jojo katulong ang may-ari ng bahay, may natuklasan sila na ikinagimbal ng lahat. (Itutuloy)

vuukle comment

WINTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with