^

Punto Mo

Narco- list, kailangan bang isapubliko?

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Habang papalapit nang papalapit ang Brgy. at SK elections, siya namang pag-init sa isyung kailangan nga bang pangalanan o ihayag na ng mga awtoridad ang pangalan ng mga barangay officials na sinasabing dawit sa ilegal na droga.

May hamon kasi ngayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na isapubliko ang na ang listahan gaya ng kanilang pangako kamakailan.

Ito ay kaalinsabay sa nalalapit ngang halalan.

Sa pagsasapubliko, maaaring matulungan umano nila ang mga botante sa pagpili ng kanilang iboboto.

Sa kabilang panig, maipagtatanggol din naman ng mga nasa listahan ang kanilang sarili, habang mapapanatag naman ang loob ng mga barangay officials na wala sa listahan at hindi sila madamay.

Sa report ng PDEA mahigit pa sa 24, 000 mga barangay sa bansa ang nananatiling pasok pa ng illegal drugs, habang nasa 9,000 na mga barangay official ang  nasa narco -list ni Pangulong Digong.

Kung mayroong nagnanais na maisapubliko ang pangalan ng mga ito, tutol naman rito ang ilang grupo.

Katwiran ng mga sumasalungat, mas makabubuti raw na kung may matibay na ebidensya na hawak a ang mga awtoridad , ay sampahan na lamang ang mga ito kaukulang kaso.

Anu’t-anuman ang botante pa rin ang siyang dapat na kumilala sa kanilang iboboto, dapat maging makilatis.

Mga kandidatong hindi minsanan lang aaruga sa inyo kundi sa buong termino.

Madali rin namang makilala ang mga opisyal na dawit sa ilegal na gawain lalu’t kung ang pag-uusapan ay illegal drugs. Ito yaong hindi kumikilos o walang ginagawa tungkol sa paglaganap na ilegal na droga.

Walang anumang programang ipinatutupad sa kanilang lugar para malabanan ang illegal drugs.

Iyan ang kahit hindi pangalanan ay kitang-kita nakahilig sa mga taong dawit sa ilegal , iyan ang dapat na mabasa ng mga botante, iyan ang hindi dapat iboto dahil siguradong magpapahirap sa inyo.

vuukle comment

ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with