^

Punto Mo

Nograles binuko ang Grab

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

MUKHANG magkaka-pitpitan ng itlog este mali pandesal pala para maibalik ng Transport Network Service provider na Grab sa mga customers nito ang diumano’y P1.8 billion na sobrang bayad ng mga tumatangkilik na pasahero ng nasabing TNVS ‘sitak.’

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, halos mapatili si PBA Rep. Jericho Nograles ng mabuko niya ang sobrang singilan blues kaya naman awang-awa ito sa mga sumakay na pasahero rito.

Ikinanta ni Nograles, na naniningil daw ng P2.00 per minute travel period ang Grab na hindi alam nang driver nito at ipinapatong daw sa pasahero.

Birada ni Nograles, hindi totoong wala itong per minute charging.

Banat ni Nograles, puera pa rito ang P40 flag down rate at P10 to P14 singil every kilometer.

Naku ha!

Ano ba ito?

Sabi nga, grabeng managa?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ng matuklasan ni Nograles ang umano’y pangguguyo sa mga pobreng alindahaw ay uumpishan niyang kalampagin ang LTFRB para ibalik sa mga pasahero ang rebound este mali refund pala.

Bago mabuko ni Nograles ang umano’y dayaan sa singilan blues ay kontra ito sa pagsasayaw este mali pagsasanib pala ng Grab at Uber na labag daw sa Philippines my Philippines Competition Act.

Abangan.

• • • • • •

Vehicle plates are coming in town

MAGANDANG balita kung totoo na lulutasin na ng LTO ang kontrobersyal na problema ng gobierno tungkol sa car plates.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, masiado ng matagal ang problemang ito kaya naman nagpapalagan ang mga car owners matapos bayaran ang kanilang bagong car plates with matching sticker up to now ay wala pa.

Ika nga, panahon ito nina P. Noy at Jun Abaya sa gobierno nila noon.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, 10 million car owners ang takam na takam na magkaroon ng mga bagong plaka noon pang 2016 nila ito gustong-gusto up to now ay mukhang mahihilot na ng gobierno ni Boss Digong.

Bakit ?

Ipinagmalaki ng LTO na dumating na last February ang plate making machines may 5 manual plate-making machines ang dinala ng mga kontratista sa LTO at nagdagdag ng dalawa pang makina para pansamantalang magamit sa paggawa ng dagdag na plaka na walang bayad.

Dapat lang!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang pinto este mali  pitong machines ay puedeng gumawa ng 22,000 pirasong vehicle plates everday.

Buti naman kung ganoon!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, this coming July ang automated embarassing este mali embossing machine pala ay makakagawa ng 12,000 vehicle plates every day.

Ika nga, iba ang Duterte administration kumpara sa Aquino admin.

Kaya naman maiiwasan na ang kambal plaka gamit ng mga colorum vehicles at iba pang mga krimen sa lansangan.

Abangan.

vuukle comment

GRAB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with