^

Punto Mo

Kunsintidorang kapatid, hinambalos ni Tol Erwin

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

SA kabila ng pagkakaroon ng batas laban sa pagpo-post at pagpapakalat ng mga maseselan at sex photos at videos sa internet, marami pa rin ang hindi natatakot.

Sa kasong ganito, ang babae ang laging dehado. Ang mga nasa likod ng uri ng pambababoy na ito, mga dati o kasalukuyang kasintahan o karelasyon.

Tayo namang mga Pinoy, alam na ngang sensitibo at may kawawang nilalang na mapapahiya, mga keyboard warriors       din. Kapag may kumalat, lalo pang ipapakalat, hala sige, pindot lang nang pindot.

Katulad nitong Martes, isang dalaga ang umiiyak na lumapit sa Kilos Pronto. Ano pa ba, ang dati niyang kasintahan na ipinakalat ang kanilang sex video.

Nagalit umano si lalaki dahil nakipag-break si babae. Ang masaklap, hindi alam ni babae na meron pala silang ganoong video.

Nagtatago na ngayon ang dati niyang kasintahan, hindi na ito mahagilap saan mang lupalop. Kaya sinubukan naming kausapin sa ere ang kapatid nitong babae.

Susmaryosep, imbes na makisimpatiya si Ateng sa sinapit ng dalagang biktima, may kademonyohan din ang pag-uugali ng isang ito. Hindi maitatanggi, magkapatid nga sila.

Akalain n’yong dada nang dada ng wala na sa hulog, pilit na idinidiin pa ang biktima na ito raw ang may kasalanan. Ang kanyang mga salita, parang hindi tinuruan ng tamang asal.

Kababaeng tao, talagang bastos ang bunganga sa ere. Kamuntikan nang ihampas ng utol kong si Erwin ang hawak niyang baseball bat sa camera namin sa gigil.

Iniisip ko na kung ako ang nandoon, sasalitain ko rin ang lengguwaheng lumalabas sa kaniyang bibig, bakasakaling magkaintindihan kami.

Lilinawin ko, ang mga Tulfo ay pinalaking marunong rumespeto, lalo na sa mga babae. Lumaki kami para ituring na prinsesa at hindi babuyin ang mga kababaihan.

Pero kung ang ilan naman ay katulad nitong buwang na babaing ito, ibang usapan na ‘yan.

Hindi mo ba napanood ang segment na ito sa Kilos Pronto? Hanapin sa YouTube, sa Bitag Official page ang video na may pamagat ALA EH! Ayaw magpakasal ng nobya! Ikinalat kanilang sex video!

vuukle comment

SCANDAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with