^

Punto Mo

Life Hacks

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Ang nagagawa ng cold shower: pinalalakas ang immune system; nakakabawas ng depresyon; nagpapalakas ng metabolism; tightens the skin at nakakapigil ng panlulugon ng buhok; nakakapigil ng sipon.

Ang nagagawa ng hot shower: nakakarelaks ng muscle; panlunas sa migraine; nakakaluwag ng sikip na ilong dahil sa sipon; binubuksan ang pores ng skin kaya nalilinis itong mabuti.

Linisin ang kotse gamit ang hair conditioner. Mayroon itong lanolin (type of wax) na magpapakintab ng kotse. Gamitin ito kung mas mura ang conditioner kaysa car wax.

Motorcycle tip: Bago isuot ang helmet, i-tsek muna kung ito ay may ipis, spider at kung ano-anong insekto. Baka kung kailan ka nagmamaneho ay saka ito magparamdam. Delikado.

White toothpaste ang ipanglinis sa baby bottle para matanggal ang annoying smell ng panis na gatas. Mainit na tubig ang ipangbanlaw.

Mainam din pantanggal ang white plain toothpaste sa mga crayola na ipinasulat sa pader ng bahay.

Gamiting panlinis ang toothpaste sa tutong ng plantsa.

Nakakatanggal sa bakas ng tubig sa wood furniture.

Lagyan ng isang dakot na asin ang malamig na tubig na nasa ice box na pinagpapalamigan mo ng softdrinks. Mas mabilis na lalamig ang drinks.

May bagyong darating kung may makikitang “halo” sa paligid ng sun or moon.

vuukle comment

IMMUNE SYSTEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with