^

Punto Mo

Halimaw ng Boracay?

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

NAKAKAPAGTAKA talaga kung bakit tuwing lalabas ang isyu ng pagtatayo ng casino sa Boracay, tameme lahat.

Sobrang ingay ni Boss Digong matapos niyang tawaging ‘cesspool’ ang Boracay kaya nabulabog lahat ang karamihan sa madlang people lalo na ang mga negosiante sa isla at ngayon pilit na isasara ito ng anim na buwan para lang maayos simula Abril 26.

Kainitan ng mga turista sa pagbisita sa ating sinasabing “paradise island” pero balewala raw kung bilyun-bilyong piso na mawawala maayos lamang ang isla, dahil mas malaki pa ang kikitain sa bagong Boracay.

Malaki talaga kung totoong papasok ang misteryosong casino na binigyan na diumano nang ‘basbas’ ng PAGCOR pero naiipit lang sa problema.

Ngayon pa lang dapat magkaalaman na. Sa bagong Boracay ba pahihintulutan ang casino na ito na sinasabing isa sa pinakamalaki sa ating mahal na Philippines my Philippines ? Take note, Archbishop Emeritus Oscar Cruz!

Kahit nga itong si DENR Secretary Roy Cimatu mukhang iniiwasang pag-usapan ang isyung ito nang tanungin siya sa isang press conference last week. Wala pa raw silang masasabi dahil wala pa naman daw aplikasyon.

Tama naman. Pero bakit walang makapagsabi kung ngayon pa lang ay hindi na ito papopormahin sa Boracay.

Sabi nga ng tsismoso, na talagang mahirap awatin ‘yan. Bagyo ang pulitiko na nasa likod ng grupong nagpaplanong magtayo ng casino.

Ang pamilya nito ang isa sa pinakamatigas na haligi ng balimbing politics, este mali Bagong Lipunan pala. 

Ay mali ! Pumuporma na nga pala ang mambabatas na kasama ng pamilya nito na siyang kinatawan ng bagong pulitika. Lalo na’t bata at nangangarap na maging senador sa sususnod na eleksiyon.

Kaya pala kapit-tuko na sa kay Boss Digong dahil naglalaway-laway pa talaga sa negosyong sugal. Bata pa lang pero pinagmamalaki na ang kaniyang yaman na galing naman pala sa pagmamay-ari ng isang casino hotel at maraming sugalan sa mga mall na kung sinu-sino pa ang isinasangkalang incorporator.

Dahil kaya natatakot siya na mabulgar na ang kanilang ginagalang na pamilya pala ay nalumon na ngayon hindi sa  edukasyon kundi sa sugalan.

Alam na nga kaya ng mga patrong Obispo na ang ginagalang na pulitikong ito ang babago sa Boracay mula sa pagiging ‘paraiso’ nito sa ganda ng isla sa pagiging “impierno” dahil sa planong pagbubukas ng casino.

Alam ng lahat na hindi pwedeng barya lang at galing sa negosyo ang puhunan sa pagtatayo ng casino. Kailangan dito ay abilidad sa gobyerno. 

Sabi nga, hataw sa sipsipan sa mga puong makapal.

Hindi din basta-basta mananahimik na lang ang mga nagmamay-ari ng marami sa mga 90 establisimentong binigyan ng notice of violation kung sila ay tablahin ng gobierno tapos palulusutin ang casino. Pero itong bagyong pulitikong ito hindi natatakot na makalusot.

Unang una, kung totoong isa sa mga problema sa Boracay ang carrying capacity nito na kailangang limitahan na sa pagbubukas muli, tiyak bagsak agad ang negoyong casino dito.

Baka naman kaya dapat mabawasan na ang mga dambuhalang mga establisimento dito upang bigyang daan ang halimaw na casino ng pulitikong pulpol na ito.

Abangan.

 

vuukle comment

PAGCOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with