^

Punto Mo

Pizza delivery boy sa Kentucky, nailigtas ang dalawang tao sa nasusunog na bahay

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

BAYANI ang turing ngayon ng isang komunidad sa Kentucky sa isang pizza delivery boy matapos niyang mailigtas ang dalawang tao mula sa isang nasusunog na bahay.

Magde-deliver lang sana ang Donato’s Pizza delivery boy na si Ralph Letner sa isang trailer park community sa Somerset, Kentucky nang mapansin niya na nasusunog ang isa sa mga bahay sa lugar.

Ayon kay Letner, hindi na siya nagdalawang-isip na bumaba ng kanyang delivery car at tumakbo patungo sa nasusunog na bahay upang mailigtas ang sinumang na-trap sa loob nito.

Mabuti na nga lang at nag lakas-loob si Letner na pasukin ang nasusunog na bahay dahil dalawang katao nga ang naipit ng apoy sa loob.

Nasa loob pala ang isang babae na kanyang nadatnan sa harapang bahagi ng bahay. Nang tanungin niya ito kung mayroon pang nasa loob ay sumagot ang babae na nasa kusina ang may-ari ng bahay na si Jesse Decker na nagpupumilit pa ring apulain ang sunog.

Dahil sa matinding kapal ng usok ay kinailangan nang gapangin ni Letner ang kusina at doon nga niya natagpuan si Dec-ker. Kinumbinsi na niya itong lumabas na ng bahay sa pamamagitan ng likurang pinto.

Laking pasalamat ni Decker kay Letner na para sa kanya ay isang bayani dahil sa pagligtas nito sa buhay niya at sa buhay ng kanyang kasama.

Wala naman sa isip ni Letner ang pagi-ging isang bayani dahil gagawin din naman daw ng kahit sinong nasa sitwasyon niya ang kanyang ginawa. Masaya lang daw siya na nakalabas silang lahat ng buhay mula sa nasusunog na bahay.

Ipinagmamalaki naman siya ng kanyang asawang si Taylor na natutuwang nakilala raw ng publiko ang napakabuting kalooban ng kanyang mister.

vuukle comment

BAYANI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with