^

Punto Mo

‘Eligible fabricated’ docs nauuso para makapag-work abroad

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

AKTIBO pa pala ang mga pekadores sa Recto, Manila,  sa paggawa ng mga fake documents.

Kamakailan tinuligsa ng isang kongresista ang mga pekeng dokumento na pinagagawa sa ilang nurses ng kanilang mga diumano’y recruiters na gustong magpunta abroad lalo na sa Saudi Arabia.

Ginagamit nila ang mga ito para lokohin ang kanilang employers sa lugar na pupuntahan nila para masabi na eligible sila sa puestong kanilang pagta-trabahuyan.

Sa Saudi oras na nabuko na ‘fabricated’ eligibility’ ang mga dokumentong ibinigay sa kanila tiyak maghihimas ng rehas ang mga ito.

Makalusot man na peke ang dokumento ng isang nagpapanggap na eligible worker tulad ng nurse, engineer o doctors tiyak mabubuko ito dahil may paraan sila para malaman ang genuine at pekeng dokumento.

Sankatutak na madlang pinoy ang nabuko sa fabricated eligibility sa Dammam, Jeddah at Riyadh kaya naman ang mga naparusahan ay kalaboso roon.

May mga minalas na pinoy nurses na kinasuhan pero ang ilan sa kanila ay napawalang sala at sila ay pina-uwi pabalik ng Philippines my Philippines matapos magmulta.

Napag-alaman, mga illegal recruiters sa Philippines my Philippines ang siyang nagtuturo sa gustong mag-trabaho abroad na pekein ang kanilang dokumento at dyan sa Recto magpagawa.

Sabi nga, hindi puede ang ganitong uri ng sistema o kalakaran para lamang makaalis going abroad.

Siguro panahon na para bigyan ng kaukulang pansin ang problemang ito kung ano man solusyon iyan ang dapat pag-aralan ng mga opisyal ng gobierno.

Ika nga, siyasatin mabuti !

Abangan.

• • • • • •

Congrats CPNP Oscar Albayalde

SIGURO puede ng pasilip ni newly appointed CPNP Albayalde ang jueteng bookies sa southern metro kay Southern Police Director Apolinario para naman hindi pagdudahan na balik kawalanghiyaan sa illegal gambling ang mga nakapatong na police rito.

Nagpista ang mga patong na police sa jueteng operation nitong mga nakaraan buwan dahil binuksan mismo nila ang illegal gambling sa Parañaque, Muntinlupa, Taguig, Las Piñas at Makati.

Kaya naman nag-aaway ang dalawang grupo dahil nagsaga-saan sila sa operasyon ng dayaan bolahan.

Hindi biro ang kapitalista ng mga kamote dahil bigtime ito? Tama ba, Bebet?

Abangan.

vuukle comment

FAKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with