^

Punto Mo

Tradisyong batay sa Buwan

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

KALIMITAN, ang petsa ng mga tradisyon, ritwal at iba pang kaugalian sa maraming relihiyon sa iba’t ibang mundo ay ibinabatay sa paglitaw o mga galaw ng buwan. Mahihiwatigan ito sa mga kalendaryong inilalabas tuwing magpapalit ng taon. Kaya ang petsa halimbawa ng paggunita sa Mahal na araw partikular sa Linggo ng Pagkabuhay  ay nag-iiba sa bawat taon dahil ibinabatay din ito ng kakristiyanuhan sa tinawag na Paschal moon. Pero, kadalasan, pumapatak ito sa mga buwan ng Marso o Abril.

Sa loob ng daan-daang libong taon o siglo ay nakasanayan na ito ng mga mananampalataya ng anumang relihiyon na hindi na natitinag kahit may mga naglilitawang, bagaman hindi kumpirmadong impormasyon, na ang  petsang kinagisnan nila sa pagdaraos ng anumang tradisyon o ritwal ay iba sa aktuwal na araw ng pinagmulan ng naturang tradisyon. Isang halimbawa ang Pasko na nakasanayan nang idaos tuwing Disyembre 25. Maraming nagkalat na impormasyon na kumukuwestyon sa petsang ito ng kapanganakan ni Hesus pero tila tahimik lang at walang ginagawang paglilinaw dito ang Vatican.

Ganito rin sa kaso ng relihiyong Islam ng mga Muslim na ang petsa ng paggunita sa simula hanggang pagtatapos ng kanilang Ramadan at iba pa nilang relihiyosong kaugalian o tradisyon ay ibinabatay sa paglitaw at galaw ng buwan.

Ang mga nakasanayang ito ng maraming relihiyon ay marahil ang isa sa maaaring kaila­ngang tugunan kung sakaling matuloy at maisakatuparan ang pagtatayo ng kolonya ng tao sa ibang planeta tulad sa Mars.  Hindi na ito lubhang malayong mangyari kung pagbabatayan ang mga deklarasyon ng mga dalubhasang nag-aaral at nananaliksik sa labas ng daigdig at ibang bahagi ng universe. 

Halimbawang matuloy ang tao sa Mars, may sariling buwan ito na dadalawa pa.  Paano isasagawa ng mga relihiyon ang kani-kanilang pananampalataya na kalimitang pinagbabatayan ang galaw ng buwan sa daigdig kung sakaling lumaganap na sila sa planetang Mars?  Aling buwan ang susundin nila? Buwan ng daigdig?  Kung sa Mars naman, alin sa dalawang buwan nito ang kanilang pagbabatayan? 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with