^

Punto Mo

Altanghap, kailangan nga ba?

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

PINAGSAMANG pinaikling mga salitang Almusal-Tanghalian-Hapunan, maraming siglo nang nakasanayan ang kumain ng tatlong beses sa isang araw.  Almusal sa umaga, tanghalian sa kalagitnaan ng maghapon at hapunan sa gabi. Hindi pa kasama ang meryenda sa kalagitnaan ng umaga at kalagitnaan ng hapon at iyong tinatawag na midnight snack. Sa tatlong iyan, batay sa ipinapayo ng mga health expert, pinakamahalaga ang almusal para magkaroon ng tamang lakas at enerhiya sa mga maghapong gawain o aktibidad.

Pero bakit nga ba meron tayong Altanghap? Iyon bang kahit hindi ka pa gutom pero naoobligahan kang kumain pagsapit ng tanghali o pagkagat ng dilim sa gabi dahil iyon ang kinamihasnan natin sa loob ng napakaraming taon mula pagkabata hanggang pagtanda.

Ayon sa ilang health expert, walang takdang pamantayan kung kailangan nga bang kumain ng tatlong beses sa isang araw. Depende anila ito sa pangangailangan ng katawan ng iba’t-ibang tao. Sa mga bata, buntis na babae at senior citizens at maging mga may sakit, kailangan nila ang regular na kumain para sa kinakailangan nilang mga sustansiya sa katawan. Sa mga malalakas at normal ang katawan, kung hindi naman gutom, hindi naman kailangang kumain nang dahil sa itinatakda nang orasan. Maaaring gabay ang isinisenyales ng katawan kung gutom ka o hindi.

Ipinahiwatig ni Sarah Hyland, general manager ng Industry Services ng Australian Ins­titute of Food Science and Technology, nagsimula ang idea ng Altanghap sa panahon ng tinatawag na industrial revolution. Kailangang mag-almusal sa umaga ang mga manggagawa para manatili silang masigla at malakas sa trabaho. Mahalaga ring break sa maghapon ang tanghalian at kasunod ang hapunan na kailangan din para makasama ng manggagawa ang kanyang pamilya sa pagkain sa gabi. Marami na ang nagbago mula noong araw pero nananatili pa rin ang idea ng Altanghap.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with