^

Punto Mo

‘Perwisyong manukan ni Mayor Tungol!’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

TUWING sasapit ang election ‘di magka-mayaw ang mga pulitiko. Kaliwa’t kanan ang pakain at pangangandidato. Mabubulaklak na salita ibinabato sa tao makuha lang ang kanilang mga boto.

Bawat kandidato, may kanya-kanyang pangako. Pero sa oras na makaupo na sa puwesto, lahat ng kanilang ibinibida, naglalaho na parang bula.

Mga ganitong kuwento, di na bago sa mga residente ng Alburquerque. Kanilang inirereklamo, mismong mayor!

Manukan kasi ni Mayor Elpren Tungol, perwisyo ang hatid imbes na suwerte! Sandamakmak na langaw at bangaw sa lungsod nila ay namemeste!

Putres na mga bangaw kasalo ng mga residente mula almusal hanggang hapunan. Hanggang sa basyo ng mga inuming tubig, di papipigil ang mga langaw. Matatanda at bata nag-uumpisa na ring magkasakit dahil sa pamumutakte ng mga langaw.

Perwisyong dala ng manukan ni Mayor Tungol, 15 taon na raw nilang inaatungal kay Mayor. Pero ang mayor tila ‘alang paki! Sige pa ‘rin sa kanyang negosyo kahit nakakaperwisyo sa ibang tao.

Teka lang, parang may mali dito! Hindi ba’t ikaw dapat ang tumutulong sa mga taong nasasakupan mo? Bakit baliktad ‘ata? Ikaw pa mismo ang kanilang inirereklamo! 

Dagdag pa ng mga residente, garbage truck mismo ng Alburquerque ang ginagamit ni Mayor panghakot ng mga dumi ng manok. Ang galing talaga ni Mayor Tungol!

Dahil pinatayan kami ng telepono ni Mayor, diretso na kaming lumapit sa gobernador ng Bohol. Problema, mas madami pang kuda si Governor Edgardo Chatto kesa aksyon. Ang dami pang paliguy-ligoy!

Susmaryosep! Inantok na lang kami ni ‘Tol Erwin, ‘di pa tapos magsalita si Governor. Sa hinaba-haba ng prusisyon, ayun wala ‘rin siyang naitulong.

Linawin lang natin mga boss, tama naman si Governor Chatto na dapat idaan ito sa tamang proseso. Pero ang proseso ginawa ‘yan hindi para matagalan at maperwisyo ang taumbayan. Ginawa ang proseso para mabilis na maresolba ang mga issue.

Pero sa nangyayari d’yan sa Alburquerque Bohol, parang di ata tama ang proseso. Mali ba ako Governor Chatto? O baka naman iisa kayo ng partido kaya nagbubuhatan kayo ng bangko? I rest my case!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with