^

Punto Mo

‘Bagong-bulok’ na public transport, dapat matutukan

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Malagim na trahedya na naman ang naganap na kinasasangkutan ng pampublikong sasakyan, ang Dimple Star bus na nahulog sa isang malalim na bangin sa Sablayan, Occidental Mindoro, Martes ng gabi.

Labing-siyam ang nasawi at mahigit sa 20 ang nasugatan.

Bagamat patuloy pa rin ang isinasagawang pagbusisi sa insidente, lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sobrang kalumaan ng sasakyan kung saan hindi na ito fit na bumiyahe. Wala nang durability, maganda lang ang pintura sa labas pero puro diprensiya na raw ang  sa loob.

Sa paunang pagsisiyasat pa ng pulisya naka-hand break ang nahulog na sasakyan at naka-engaged pa sa gear, na nangangahulugan lang na tinangka pa ng driver na makontrol ito.

Matapos ang insidente, agad ding nagsagawa ng inspeksyon ang mga opisyal at tauhan ng LTFRB sa terminal ng Dimple Star sa Cubao, Quezon City at doon nga natuklasan sa iba pa nilang unit na hindi na rin dapat pang itakbo o ibiyahe. May isa pa nga na ibibiyahe na rin pa lalawigan kung saan nakitang kalbung-kalbo na ang gulong na lubhang delikado na rin sa daan kaya ito agad na pinigilan.

Ganyan ang karamihan sa mga pampublikong sasakyan hindi lang mga bus, pinapaganda ang labas na anyo sa pamamagitan ng pagpapapintura, sabihin pang maging mga upuan pinapalitan at nilalagyan pa ng mga dekorasyon, pero kadalasan ang mga piyesa, gulong, makina dito na nagkakatalo. Dito na nag-uugat ang maraming trahedya.

Nandito na naman tayo, kailangan pang may maganap na naman na matinding trahedya bago isa-isahin ang mga dapat na inspeksiyunin na dapat sana ay regular na isinasagawa sa tuwing ipaparehistro ang mga sasakyan.Dapat itong matutukan nang husto lalu na nga sa mga susunod na araw  kung saan dadagsa na naman ang bibiyahe pa-lalawigan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with