^

Punto Mo

Matandang Tinali (49)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

AALIS na sana si Dong nang biglang may maisip ukol sa balak nilang pag-hire ng bagong guard.

“Teka, Boy, kaysa sa guard na kailangan pa tayong magbayad nang mahal sa security agency, bakit hindi na lang CCTV ang ilagay natin sa bawat floor ng dorm.’’

“Puwede Sir Dong. Mas makakamura tayo.’’

“Sige magkambas ka ng CCTV at magpapakabit tayo. Gusto kong mahuli kung sino ang tirador ng I-phone. Palagay ko may nakakasalisi sa mga kuwarto. Palagay ko mga taga-labas.’’

“Pero may guard tayo sa lobby, Sir Dong. Imposibleng hindi niya nakita ang salisi.’’

“Malay mo, itinaon ang pagsalisi habang nasa CR ang guard natin o maaaring may binibili.’’

Napatango si Boy.

“Pagsabihan mo ang guard natin Boy. Sabihin mo, huwag aalis sa puwesto.’’

“Medyo matanda na kasi ang guard natin, Sir Dong.’’

“Oo nga.’’

“Parang mahina nang kumilos.’’

“Sige aalis na ako. Pero siguruhin mo na wala nang mawawalang I-phone. Mag-rounds ka nga Boy kung tanghali.’’

“Okey Sir Dong.’’

MAKALIPAS ang dalawang araw, nagbalik si Sir Dong sa dorm para alamin ang mga nangyayari.

Wala si Boy sa opisina. May note sa pinto na lumabas lang ito sandali para bumili ng gamot sa botika.

Dahil sarado ang opis, naisip ni Dong na umakyat sa fifth floor para dalawin si Babes.

Bukas na naman ang pinto ng room ni Babes. Bakit laging bukas ang room nito.

Kumatok muna siya at saka tinulak ang pinto. Tinawag niya si Babes.

“Babes! Babes!”

Sumagot si Babes.

“Narito ako sa banyo! Nagsa-shower!’’(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with