^

Punto Mo

Matandang Tinali (47)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGPAALAM na sina Dong at Boy kay Babes.

“Sige Babes, punta lang kami sa opis. May tawag daw ako.’’

“Sige Sir Dong.’’

Habang bumababa sina Dong at Boy ay nag-uusap sila.

“Sino kaya ang tumatawag sa akin, Boy?’’

“Hindi ko alam Sir Dong. Tawagan mo na lang daw.’’
“Masarap pa naman ang pagkukuwentuhan namin ni Babes. Marami palang alam na kuwento ang babaing iyon. Aliw na aliw ako.’’

“Pero talagang parang nakita ko na si Babes, Sir Dong. Hindi ko lang alam kung kailan at saan.’’

“Baka naman hindi siya, Boy.’’

Napatangu-tango na lang si Boy.

Nakarating sila sa opis.

Saka lamang naisip ni Dong na tawagan ang tuma­wag sa kanya.

Ang tawag ay mula sa kanyang katiwala sa building na nasa Bustillos. Kailangan daw magtungo roon dahil may mahalagang isasangguni ukol sa isang tenant.

“Aalis na muna ako, Boy. Ikaw na ang bahala rito. Kapag may kailangan si Babes ay asikasuhin mo agad.’’

“Opo Sir Dong.’’

Umalis na si Dong.

Nagtataka naman si Boy sa biglang pagbabago ni Dong sa pakikitungo kay Babes. Parang ang bait-bait ni Sir Dong kay Babes. Ano kaya ang ipinakain ni Babes at parang naging maamo si Sir Dong.

ILANG araw ang lumipas.

Isang umaga, dakong alas otso ng umaga, sumugod sa opis ng dormitory ang isang estudyante at may isinumbong kay Boy.

“Mang Boy nawawala po ang I-phone ko. Iniwan ko lang sa bed pero pagbalik ko galing sa banyo ay wala na. May sumalisi po. Ang mahal po ng I-phone ko!’’

“Saang floor ka iha?’’

“Fifth floor po.’’

“Aba mayroon ding nawalan kahapon ng I-phone. Hindi ko pa lang naire-report kay Sir Dong. Salisi rin. May magnanakaw dito sa dorm.’’

“Paano po marerekober ang I-phone ko?’’

“Don’t worry iha. Ako ang bahala.’’

Tinawagan ni Boy si Dong at ikinuwento ang nangyari.

Problemado si Dong.

Sino ang magnanakaw sa dorm? (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with