^

Punto Mo

Walang katapusang panganib

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

KUNG hindi man uuwi kang bangkay ay babalik ka ng Pinas na agaw-buhay. Eto ang pinakamatinding panganib na kakaharapin ng mga manggagawang Pinoy sa ibang bansa.

Sa kasamaang palad, ang kadalasang tinatamaan ng kamalasang ito ay ang mga domestic helpers lalo na ‘yung mga nasa Middle East.

Bakit kamalasan, kapag mukang pera at walang kaluluwa ang mga ahensiyang nagpaalis sa’yo dito sa Pinas ganoon din ang kanilang counterpart o Foreign Recruitment Agency (FRA) sa ibang bansa, patay kang bata ka.

Parang itong sumbong na lumapit sa amin kamakailan, hindi amo ang kaniyang problema kundi ang mga kumag na ahensiya niya rito sa Pinas at doon sa Saudi.

Paanong hindi ka mahahabag, ang pobreng domestic helper, lumaki ang tiyan at may kung anong laman ang lumabas sa kanyang puwerta. Maaaring dahil sa sobrang trabaho nito.

Sa awa ng kanyang amo, agad siyang binigyan ng pera para makabalik na ng Pinas. Ang problema, etong putok sa buhong FRA niya sa Saudi, hindi siya pinayagan.

At ang nakakagigil na sumbong, imbes daw na tulungan siya ay sinampal pa siya ng staff. Mga buhay pa eh sinusunog na ang kaluluwa n’yo diyan sa Waset Asia Recruitment Office, mga pendeho!

Sa tradisyon ng BITAG, kung nagkataong nandito ang animal na nanampal sa biktima, matitikman niya rin ang golden rule naming tinatawag.

Kapag ganitong nasa matinding peligro ang buhay ng ating kababayan, hindi kami nabigo kailanman sa paglapit sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa pangunguna ni Ms. Josephine Tobia.

Kasalukuyang nasa Bahay Kalinga sa embahada ng Pilipinas sa Saudi ang pobre at inoobserbahan kung kakayanin ng kanyang kalagayan na bumiyahe pauwi ng Pilipinas.

Patuloy na nararanasan at naniniwala ang BITAG na dadami pa ang mabibiktima. Ang solusyon ng ilang nagmagaling – kasunduan sa pagitan ng Pinas at Kuwait. What a big accomplishment!

So ibig sabihin nito magpapadala na ulit ng mga manggagawa sa bansang kinasuklaman ng pangulo? Paano na lang ang ibang bansa pa sa Middle East na may mataas na statistika ng mga minamaltratong Pilipino katulad ng Saudi at UAE?

Etong malagim na katotohanan na sinasapit ng mga OFW, kapag hinaluan ng mga may posisyon na natutulog lang sa pansitan, wapakels o mala-pagong na estilo, patay kang bat aka – literal.

Gaano man kamalasakit ng Presidente ng Pilipinas sa kalagayan ng sambayanang sa buong mundo, kung bulok na sistema pa rin ang pinatutupad ng kaniyang mga tao sa baba, walang saysay ang anumang kasunduan o bida-bida n’yo sa harap ng media!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with