^

Punto Mo

Matandang Tinali (43)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

ALAM ni Dong na mali ang ginagawa niyang panakaw na pagtingin habang nagbibihis si Babes pero hindi niya kayang kontrolin ang sarili. Patuloy niyang pinanood si Babes. Naka-bra at panty lang ito. Bagong paligo. Basa pa ang buhok. Siguro ay papasok sa school kaya nagbibihis. Nakita niyang nakalatag sa kama ang isusuot na damit.

Sunud-sunod ang paglunok ni Dong habang pinanood si Babes. Pero may kaba siya dahil alam niyang mali iyon. Isa pa, baka may makakita o malaman ni Babes ang ginagawa niya ay kahiya-hiya. Malaki pa naman ang paggalang ni Babes sa kanya. Halata niya sa kilos ni Babes na nirerespeto siya. Pero bakit kaya bigla siyang hinalikan sa labi? Siguro’y nagpapasalamat dahil tinanggap niya rito sa dormitoryo.

Hindi niya kayang kontrolin ang sarili para panoorin si Babes sa ginagawa sa loob ng silid. Kung bakit kasi hindi nagsasara ng pinto bago magbihis. Masyadong tiwala na walang makakapasok sa kuwarto.

At masisisi ba niya ang sarili na hindi tingnan o silipin ang kagandahan ng katawan ni Babes. Siguro, bading lamang ang hindi maaakit na pagmasdan ang magandang katawan ni Babes. Perpekto ang kurbada ng katawan ni Babes. Makinis na makinis.

Nakita niya na nagpaikut-ikot sa harapan ng salamin si Babes. Tumatagilid at sinisipat-sipat ang magandang hubog ng katawan. Tumalikod din at walang tigil sa pagsipat.

Ang naging kapana-panabik kay Dong ay nang humarap sa may pintuan si Babes. Nakita mismo ni Dong ang harapan ni Babes. Para siyang ipinako sa pagkakatayo. Hindi siya humihinga. Hindi rin kumukurap at baka may sandaling makalampas. Ilang segundo rin na nasa ganoong posisyon si Babes.

Napabuntunghininga si Dong. Ngayon lamang siya nakaranas na makakita ng babaing naka-bra at panty sa loob ng kuwarto. Nakakita na siya ng mga babaing nagsasayaw nang naka-bra at panty lang sa KTV pero mas exci-ting pala ang makakita sa loob ng kuwarto. Mas maganda pala kung panakaw.

Ilang beses pang nagpaikut-ikot si Babes sa harap ng salamin bago ipinasyang magbihis.

Tumalikod na si Dong para umalis.

Dahan-dahan siyang humakbang. Nakakahiya kung makikita siya ni Babes.

Pero bago pa siya makahakbang palabas ay nakita siya ni Babes.

“Sir Dong!” Tawag nito.

Parang ipinako si Dong sa kinatatayuan.

Lumabas si Babes.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with