^

Punto Mo

132-taong sulat na nasa loob ng bote, natagpuan sa Australia

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

MAKARAAN ang 132 taon matapos ihagis sa Indian Ocean mula sa isang barko, natagpuan muli ang isang sulat at ang boteng kinapapalooban nito sa isang liblib na beach sa Australia.

Natagpuan ng residente ng Perth na si Tonya Illman ang bote at ang laman nitong sulat habang namumulot ng basura sa beach.

Walang kaalam-alam si Tonya sa kanyang nadiskubre dahil pinulot lang niya ang bote sa kagustuhan niyang gamitin ito bilang pang-display sa kanyang tahanan.

Nalaman na lang niya ang liham na nasa loob ng bote nang itaktak palabas ng girlfriend ng kanyang anak ang mga buhanging nakalusot paloob nito.

Mukha raw sigarilyo ang liham sa unang tingin. Hindi raw muna nila ito inalis sa pagkakarolyo upang hindi ito mapunit dahil mamasa-masa pa ito.

Pinaiinitan muna nila ito sa oven ng sandali bago nila tiningnan ang nakasulat dito. Nang matuyo na ay nalaman nilang isinulat pala ang liham noong Hunyo 12, 1886 at nakikiusap ang nagsulat na ipagbigay alam sa pinakamalapit na German consulate ang kanilang napulot.

Ibinigay ni Tonya ang liham sa mga eksperto mula Germany na kinumpirmang totoong napakatanda na nito. Malamang daw na wala pang isang taon ay napadpad na ang bote sa beach kung saan nabaon ito sa buhangin ng napakatagal na panahon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with