^

Punto Mo

Naboldyak!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nataranta si Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa kontrobersya at mga komentong tinanggap matapos na ibasura ng   National State Prosecutors ng kanyang tanggapan ang drug charges laban kay Kerwin Espinosa, Peter Lim  at iba pa.

Umabot ang pagkadismaya hanggang kay Pangulong Digong na talagang hindi nasiyahan sa pagbasura sa kaso laban sa batang Espinosa na kabilang sa kanyang drug list.

Kaya nga ang nasabi ng Pangulong, kapag nakalaya sa kaso si Kerwin, naku , patay kang bata ka, ipapalit daw sa selda si Secretary Aguirre.

Bukod pa rito, ang panawagan ng ilang mambabatas na dapat nang magbitiw o di kaya raw ay sibakin na rin  ang DoJ secretary.

Kaya nga ayun, ngayon dali-dali ang ginagawang pagpapa-review ni Secretary Aguirre. Agad-agad na bumuo ng dalawang panel na magrerebyu sa naging desisyon ng state prosecutors.

Kakaiba nung unang ilabas ang desisyon, mabilis na sinisi ni Aguirre ang mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa pagkabasura sa kaso.

Kulang daw ang iniharap na ebidensya kaya nagkaganun.

Ito ay sa kabila na mismong si Kerwin ang umanin sa mga nakaraang pagdinig sa Senado na siya  ang drug lord sa Eastern Visayas na hindi raw isinama ng CIDG bilang ebidensya sa kaso.

Naniniwala ang PNP-CIDG na base sa kanilang mga naisampang kaso at mga naisumiteng ebidensya  malakas ang merito ng kaso laban sa grupo ni Kerwin kaya talagang nakakabigla kung bakit ito ibinasura.

Maliwanag ang pahayag ng CIDG kung bakit hindi naisama sa ebidensya ang testimonya ni Kerwin sa hearing sa Senado na siya ay drug lord dahil binawi rin ito ni Kerwin noong 2017 sa harap ng State Prosecutor ng DOJ.

Tungkol sa sinasabing ‘inconsistency’, ayon sa CIDG normal lamang na magpabagu-bago  sa pahayag ng ilang testigo  partikular sa mga petsa  at lugar lalu na nga’t matagal na itong nangyari.

Matapos na manisi ni Secretary Aguirre, mukhang ngayon ay nabaligtad na ang pangyayari dahil ang pinaiimbestigahan na niya ngayon sa NBI ay yaong mga nagbasura sa kaso ng CIDG.

Yun lang!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with