^

Punto Mo

Nograles sa riders

Butch M. Quejada - Pang-masa

NAALARMA si PBA partylist Congressman Jericho Nograles tungkol sa lumalaking bilang ng deadly accidents sa walang ingat na pagpapatakbo ng mga motorsiklo dahil ginagawa malimit magkarera ang mga ito sa kalsada na nagiging dahilan para manganib ang kanilang buhay pati na rin ang mga naglalakad.

Ikinuento ni Nograles, na hindi biro ang mga daanan tulad ng Marilaque (Marikina-Laguna-Quezon) highway, Sumulong highway, ang Nasugbu-Ternate Highway, Manila North Road at Aguinaldo Highway dahil ang mga ito ay ginagawang racetracks ng mga motorcyclists at malimit pang nag-counterflow pati na rin sa mga overtaking lanes.

Ipinagmamalaki pa ng mga tinaguriang hyperbeasts ang kanilang katangahan dahil ang mga ito rin ang nagpo-post sa kagaguhan pinaggagawa na stunt sa social media.

Sa totoo lang tirada ni Nograles ang kanilang kayabangan sa kalsada ay ikinatatakot ng madlang people dahil kapag nadisgrasiya ang mga hunghang ay may mga nadadamay pa.

Kung sa palagay nila sila ay mga magagaling o mahuhusay sa pagmo-motor mas mainam kung pumunta na lamang sila sa lehitimong racetracks dahil ito ang tamang lugar para magpakita ng kayabangan este mali kagalingan pala.

Halos mabingi sa ingay ng mga muffler ang madlang people oras na dumaan ang mga bikers sa isang lugar.

Ikinatuwa naman ni Nograles, ang malaking kontribusyon ng mga bikers dahil nakakatulong ito sa problema ng traffice sa Metro - Manila pero ang nakakalungkot mas marami sa kanila ang naaksidente sa kalsada simula noong 2010.

Sa datos ng Global Status Report on Road Safety noong 2015, sinabi ng World Health Organization na 53% ng mga iniulat na road traffic fatalities sa Philippines my Philippines ay mga motorcycle riders.

Bakit ?

Kadalasan ang mga nadidisgrasiya ay mga nakainom ng alak, mga walang helmet, over-loading at reckless drivers.

Payo ni Nograles, mag-ingat!

* * *

HIV

ALARMING ang news dahil 10% sa 500 HIV patients na nagpagamot sa DOH ay hindi tinatablan diumano ng gamot.

Naku ha!

Ano ito?

Sa two years study ng National Institure of Molecular Bio-logy ang Biotechnology para may problema ang mga pasyente na ginagamot.

Bakit?

Isa daw sa dahilan ay ang pag-mutate at pagiging drug resistant ng virus dahil hindi tuloy - tuloy sa pag-inom ng gamot nang mga pasyente.

Sabi ng mga bright, patuloy ang ginagawang pag-aaral para makahanap ng bagong paraan sa HIV treatment. Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with