^

Punto Mo

‘Kasambahay, ginawang dummy ng mga lokong amo!’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

NAGSIMULA sa simpleng reklamo laban sa kanyang amo na hindi nagbabayad ng benepisyo sa SSS, nauwi sa pagkadiskubre ng Kilos Pronto ang maituturing na krimen na ginawa ng inirereklamo.

Ngunit para sa pobreng kasambahay na ito, aba ijo de puto! Hindi na nga hinuhulugan ang contributions sa SSS, nagawa pa ng mga pendejo’t cabron na gamitin ang kanyang pangalan para sa kanilang negosyo!

Higit 16 na taon nagtatrabaho ang pobre kay Jadet Chen na nagmamay-ari ng Wanda Trading Co. sa Caloocan City. Noong 2001 siya namasukan upang maitaguyod ang kanyang panga­ngailangan, subalit, sinimulan siyang kaltasan ng P200 kada buwan.

Ang dahilan? Para raw sa kanyang “kontribusyon” sa SSS! Walang nakukuhang kopya ng payslip ang kasambahay para sa kanyang suweldo.

Noong 2015, sumadya na ang kasambahay sa SSS Caloocan upang matingnan ang kanyang mga naging kontribusyon. Sa kasamaang palad, doon niya lang nalaman na wala palang hinuhulog na kontribusyon!

Pinangakuan ng kanyang amo na huhulugan ang kanyang SSS simula nung siya’y nagtrabaho sa kanila hanggang sa 2016, pero 2017 pa lamang ang naihuhulog sa kanya.

Kilos Pronto naming inaksyunan nila Alex Santos at ‘tol Erwin Tulfo ang reklamo ng pobre upang malaman ang puno’t dulo ng problemang ito.

Kakatawag pa lang namin sa putok sa buhong Manager ng Wanda Trading Co. na si Alex Yohann Ortiz, aba! Magilas siyang umangal na personal daw na hulog ang kanilang ginawa.

Pilit na pilit niyang pinaglalaban na may resibo sila at naihulog raw nila ang mga benepisyo sa SSS, pero halatang nagmamaang-maangan itong manager-kuno dahil hindi naman niya alam ang paghuhulog ng benepisyo sa SSS!

Pero mas lumawak ang problema ng pobre dahil nadali siya sa BITAG naming palatinigan! Ang mga putok sa buho sa Wanda Trading Co., ginamit pa ang pangalan ng kasambahay upang maipalabas na sila ang nagmamay-ari ng negosyo!

Pobreng biktima, walang kaalam-alam na ginawa siyang dummy ng mga loko-lokong amo. Ayon sa City Administrator ng Caloocan na si Engr. Oliver Hernandez, isang krimen ito at maaaring ikulong ang mga among dayuhan.

Para mapaigi ang aksyon-solusyon na aming maihahatid sa nagrereklamo, kami’y nananawagan kay Lilibeth Soralbo ng Social Security System upang maiayos kaagad ang mga benepisyo ng pobre, at nang managot ang Wanda Trading Co. sa kanya.

At doon naman sa putok sa buhong manager-kuno ng Wanda Trading Co. Hoy, Alex Yohann Ortiz! Baka mas gugustuhin mo na lamang magtago sa palda ng iyong ina? Parating na ang aksyon at hagupit ng Kilos Pronto upang matapos ang kalokohan n’yong ginawa sa kasambahay na ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with