^

Punto Mo

DILG, PDEA tutok sa bgy. Execs na dawit sa droga

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Habang papalapit ang barangay at SK elections na nakatakdang idaos sa darating na Mayo 14 ng taong ito, puspusan na ang ginagawang panawagan hindi lamang ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kundi maging ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa publiko na huwag nang iluklok sa pwesto ang mga barangay officials na hinihinalang sangkot sa illegal na droga, at muling nagpa- planong tumakbo sa halalan.

Matindi ang panawagan i-reject ang mga ito kasabay nang paghikayat sa mga botante na samantalahin ang botohan para mapatalsik na ang mga ito sa pwesto at huwag nang muling iluklok pa.

Madali naman umanong makilala ang mga ito kahit pa hindi pa pinapangalanan o isinasapubliko ang mga pangalan na nasa narcolist ni Pangulong Digong.

Ito raw yung hindi kumikilos o walang pakialam para malabanan ang aktibidades na may kinalaman sa ilegal na droga. Ito yung kahit hayagan na umano ang operasyon ng llegal drugs sa nasasakupang lugar eh walang ginagawa kasi nga raw, ayon pa sa DILG nakikinabang sa sindikato kaya hindi nakikiisa sa kampanya laban sa ilegal na droga.

Maging mapagmasid din umano ang publiko at botante sa posibleng pagkalat ng drug money sa nalalapit na halalan dahil na rin sa impluwensya ng sindikato ng droga.

Kung muling mananalo ang mga barangay official na dawit na ganitong ilegal na gawain, ayon pa sa PDEA tiyak na magpapatuloy ang pamamayagpag ng ilegal drugs.

Sa panig naman ng DILG, desidido sila na gawin ang lahat para hindi na maluklok ang mga barangay executives na nasa narcolist ng Pangulo. Ito ang mahigpit na kautusan ni Digong.

Hindi nga ba’t inihayag ng PDEA na lomobo ang bilang ng mga barangay officials sa narcolist ng Pangulong Digong at posible pang madagdagan dahilmay sarili rin silang watchlist o listahan ng mga sinasabing dawit sa droga na mga opisyal ng barangay.

Sa ngayon ay may 289 barangay officials, na kinabibilangan ng 143 barangay chairmen at 146 barangay kagawads, ang nasa narcolist ni Pangulong Duterte.

Ipinauubaya naman ng DILG sa PDEA kung nanaisin nilang isapubliko ag mga pangalan ng mga opisyal sa barangay na nadadawit sa operasyon ng ilegal na droga. Habang ang PNP naman ang inatasan na magsagawa ng case build up sa mga ito para masampahan na ng kaukulang kaso.

Nabatid na inatasan na ng DILG ang PNP na magsagawa ng case build-up sa mga barangay officials na natuklasang sangkot sa illegal na droga para sa kaukulang pagsasampa ng kaso laban sa kanila.

Ipinagbabawal din sa mga kakandidato na magkaroon ng bodyguard na tauhan ng pulisya, na ito rin ang dapat na mabantayan ng publiko.

 Pwede naman umanong dumirekta ng sumbong sa DILG na agad na maaaksiyunan. May kapangyarihan ang DILG na magsuspinde ng mga local at brgy executives lalu na at kitang-kita o nandyan na ang ebidensya.

Ito ang ating aantabayan sa mga susunod na araw.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with