^

Punto Mo

10 Kitchen Hacks

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Magiging light and fluffy ang iyong cake kung idadagdag mo sa batter ng cake ang kalahating tasa na sour cream.

Magdagdag ng isang kutsaritang lemon juice sa tubig na pansaing sa bigas. Haluing mabuti ng kamay para ma-distribute nang mabuti ang juice. Magdudulot ito ng mas maputi at fluffier na kanin.

Kung magpiprito ng isda, isama sa mantika ang hiniwang maninipis na luya para hindi maging amoy malansa ang inyong kitchen. Kung walang luya, gumamit ng mga hiniwang bawang.

Kailangan sa recipe ay self-rising flour pero wala kang mabili sa palengke. Ano ang dapat gawin? Pagsama-samahin ang sumusunod: 1 cup all purpose flour + isa at kalahating kutsarita baking powder + kalahating kutsarita pinong asin. Voila, may self-rising flour ka na.

 Pinakamadaling paraan para gumawa ng pizza dough: 1 cup greek yogurt + 1 cup self-rising flour.

Kung gagawa ng cake gamit ang instant mix, ganito ang gawin para maging malinamnam ito: 1) gamitin ang melted unsalted butter (double the amount) sa halip na vegetable oil; 2) kung isang itlog ang nasa instruction, dagdagan mo pa ng isa; 3) evaporated milk ang gamitin sa halip  na tubig.

Ang one cup beans na hilaw ay nagiging isa at kalahating cup kapag naluto.

Doble ang makakatas na juice kung iinitin muna sa microwave oven ang isang buong lemon ng 15 seconds.

Nakalimutan mong pahiran ng oil or butter ang iyong pan. Ano ang gagawin para hindi mahirapang tanggalin ang cake sa pan? Pagkatapos tanggalin sa oven, ipatong ang pan sa basang towel ng 30 minutes. Matatanggal ang cake na hindi ito didikit sa pan.

Palambutin ang frozen fish sa evaporated milk. Matatanggal na ang lansa, magiging natural tenderizer pa ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with