^

Punto Mo

Mga doktor sa Canada, ipinrotesta ang pagtaas ng kanilang sahod

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HIGIT 500 doktor at 150 medical students sa Canada ang pumirma sa isang pampublikong liham na nagsasaad ng kanilang protesta sa mataas na sahod na kanilang matatanggap.

Nakalagay sa liham ang pagtutol ng mga doktor sa Quebec ang nakatakdang paglaki ng kanilang sinusuweldo na dulot ng pakikipag-negosasyon sa gobyerno ng samahan ng mga mediko.

Hindi raw kasi masikmura ng mga doktor ang malaki nilang kikitain gayong ang mga nurse na baon sa trabaho ay hindi naman makakatanggap ng umento sa kanilang mga suweldo at habang ang kanilang mga  pasyente ay nagtitiis sa mga bulok na pasilidad.

Hinihimok ng mga doktor ang gobyerno na gamitin na lang nito ang pondong idadagdag sa kanilang suweldo sa pagpapabuti ng health system ng Quebec upang ang lahat ay makikinabang.

Tinatayang nasa 339,000 Canadian dollars (humigit-kumulang P13 milyon) ang ipinapasuweldo ng pamahalaan ng Canada sa bawat doktor kada taon. Tinatayang tataas ito ng 1.4% o 4,476 Canadian dollars kapag natuloy ang planong umento.

Ayon sa isang tagapagsalita ng gobyerno ng Quebec, hindi naman daw sila tutol sa gustong mangyari ng mga nagpoprotestang doktor dahil kung sakali ay ma-laki ang matitipid ng pamahalaan ngunit napakaliit na minorya lamang daw ng mga nagrerek­lamo kumpara sa kabuuang bilang ng doktor sa kanilang probinsiya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with