^

Punto Mo

Brown rice mahal na masustansiya

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

MARAMI na rin namang mga tao ngayon ang namumulat sa kabutihan sa kalusugan ng brown rice. Ito rin ang inirerekomendang alternatibo sa mga nagkakasakit ng diabetes.

Pero, sabi nga ng isa kong kakilala na nagkaroon ng diabetes, matabang at napakamahal ng brown rice. Malakas pa naman anya siyang kumain ng puting kanin.

Iyon nga lang ang masakit na hindi abot-kaya ng bulsa ng mga mahihirap na mamamayan ang brown rice na ito lalo pa kung hindi nila kayang bumili ng maraming ulam at nagkakasya na lang sila sa isang platong punumpuno ng kanin na makakapagpabusog na sa kanilang tiyan.

Kung tutuusin, ang presyo ng maganda, maputi at makinis na bigas ay  naglalaro na rin sa pagitan ng P45.00 at P50.00 kada kilo depende sa tatak at meron na ring umaabot sa P60.00 per kilo. Kung sinasabing nakakataba at nakakapagdulot ng sakit sa puso at mataas na alta presyon ang puting kanin,  mas mainam pa palang bumili na lang ng brown rice na karaniwang presyo ay P51.00 sa isang kilo depende sa brand pero masustansiya naman.

Sana rin naman ay makagawa ng hakbang ang mga kinauukulan para naman makakain ng brown rice ang mahihirap nating mga kababayan. O kung talagang mahirap ihain sa hapag ang brown rice, alalay na lang sa dami ng kinakaing puting kanin.

Hindi nga lang malinaw sa mga sinasabi ng mga health expert at scientist na, kung brown rice ang kakainin ng isang tao, okay lang ba kahit gaano karami ang kainin niyang brown rice na tulad ng sa puting kanin na umaabot sa dalawa o tatlong tasa o apat pang tasa sa bawat kainan? Dahil parehong kanin ang brown rice at white rice, hindi ba magkapareho ang epekto nila sa kalusugan kung kakain ka ng tatlo o apat na tasa ng brown rice?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with