^

Punto Mo

200 balikbayan box hinostage ng cargo company

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

NAKAGAWIAN na ng mga Pinoy Overseas ang magpadala  ng balikbayan box sa Pinas. Sa pamamagitan kasi nito kahit papaano ay nababawasan ang pangungulila nila sa kanilang pamilya.

Kalakip ng bawat kahon na ito ay ang pagmamahal na nagmula pa sa ibang bansa na may sukling malalaking ngiti mula sa mga mahal sa buhay.

Pero paano kung ang balikbayan box na pinagpawisan at pinagpaguran mo, ‘di makarating ng maayos sa pamilya mo?

‘Yan ang reklamong inilapit ng mahigit dalawang daang OFW na biktima ng dorobong cargo company.

Gamit ang social media ipinarating ng mga OFW ang kanilang hinaing sa aming Facebook page. Mga ipinadala kasi nilang balikbayan box na nagmula pa sa Qatar, hindi nakarating sa patutunguhan!

Q Cargo sa Qatar at forwarder nito sa Pinas na Cadano Cargo Company, nagtuturuan! Mga walang bayag at ayaw panagutan kanilang kagaguhan.

Mantakin mo, noong isang taon pa ipinadala pero hanggang ngayon ‘ala pa! ‘Yung iba mag-iisang taon nang naghihintay sa wala. Expired na lang mga laman na tsokolate at panis na ‘yung mga de-latang carne norte hindi pa nakakarating sa kanilang pamilya.

Ang gagaling mang-engganyo ng kliyente, ‘ala naman palang sinabi.

Agad kaming nakipag-ugnayan sa inirereklamong cargo company. Napag-alaman namin na matagal na pala nilang hawak ang mga balikbayan box! Hindi raw nila ma-release ang mga ito dahil hindi pa bayad ang Q Cargo.

Mga lintik na ‘to, pati ba naman kahon hinostage niyo? Maging si ‘Tol Erwin nag-init ang ulo sa mga dorobo. Gawin ba namang dahilan ang demorahe kaya iniipit ang mga bagahe?

Hoy mga kutong lupa! Bureau of Customs na ang may sabi na kayo ang dapat sumagot sa demorahe. Kaya ‘wag n’yong idahilan ‘yan sa inyong mga kliyente. Problema sa pagitan n’yo at ng counter part n’yo, ‘wag n’yo naman sanang i-atang sa mga pobreng OFW.

Mga boss, hindi n’yo kailangan magturo kung sino ang may kasalanan kung alam mo naman na ikaw mismo ang may pagkukulang. Responsibilidad ang pagtatayo ng negosyo, kaya kung ayaw n’yong masiraan o mauwi sa wala ang pinaghirapan niyong negosyo, umayos kayo!
Tulad ng lagi naming sinasabi, hindi kontra negosyo ang Kilos Pronto. Pero sa oras na malaman namin na may mali at abusado kayo sa mga tao, malalagot kayo. Hindi kami magdadalawang isip na bitagin ang mga tulad niyong putok sa buho! Gets n’yo?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with