^

Punto Mo

Bgy. Officials na dawit sa droga, ‘wag tantanan

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Inamin ng pamunuan ng PDEA na sa kasalukuyan lumubo pa ang bilang mga barangay officials na kabilang sa ‘narco list’ ni Pangulong Digong.

Kaya naman pala matindi ang banta ng Pangulo sa mga bara-ngay officials na sinasabing nakikinabang sa drug money, lalona nga at nalalapit na ang barangay at SK elections dahil posibleng muling maluklok ang mga ito.

Ayon kasi sa ulat ng PDEA na sa ngayon ay nasa 289 na ang barangay officials na nasa listahan ng Pangulo at sinasabing sangkot sa aktibidad ng ilegal na droga sa bansa. Kabilang sa naturang bilang ang 143 barangay captain at 146 na barangay kagawad.

Pero hindi pa yan, posible pa umano itong madagdagan dahil sa hiwalay ang listahan ng PDEA.

Pwedeng ang nasa listahan nila, eh wala sa listahan ng Pangulo.

Karamihan sa nasa listahang opisyal ng barangay ay mula sa Mindanao, na ang ikinakatwiran ay dahil “war-torn area” ang kanilang lugar. Magulo umano kaya hindi maipatupad ang batas at hindi rin ma-activate ang Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC).

Aba’y kung hindi nila maipatupad ang mga batas dahil sa takot, eh ano pa ang silbi nila at nandon sila.

Sa mahigit palang 42,000 na mga barangay sa bansa nasa 30 porsiyento ang wala o hindi aktibo ang BADAC.

Kaya nga lumalala ang problema sa droga, dahil walang ginagawa ang mga opisyal sa lebel pa lamang ng barangay na higit sa lahat ay sila ang nakakamonitor sa maliit na area na kanilang nasasakupan.

Sila ang nakakakilala kung sino sa kanilang constituents ang dawit sa ganitong mga gawain.

Pero naniniwala ang PDEA na maraming rason kung bakit hindi aktibo o sadyang hindi ipinatutupad ng mga barangay ang BADAC, kasama na rito ang posibleng pagkakasangkot ng barangay captain o kagawad sa operasyon ng ilegal na droga. Nakikinabang kasi sila sa madaling salita.

Maging ang DILG ay nagbabala na rin sa mga barangay officials na mapag-aalaman pang dawit sa ganitong mga ilegal na gawain. na mahaharap hindi lamang sa suspensyon kundi sa matinding kaparusahan.

                                              

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with