^

Punto Mo

Ang dalawang libong piso

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

MARTES noon. Dapat ay dumating na ang padalang pera ng kanyang anak para sa kanyang apo na pinaaalagaan sa kanya. Ang anak  niya na isang single mother ay nagtatrabaho sa Maynila. Taga-Quezon province sila at doon niya inaalagaan ang apo. Nagpapadala tuwing kinsenas ang kanyang anak. Umuuwi ito once a month.

Ika-17th na ng buwan ay wala pa rin padalang pera ang kanyang anak. Nag-check siya sa kanyang ATM at nanatiling P100 ang laman nito. Nilalagnat ang kanyang apo. Ayaw niyang mag-over the counter medicine lalo pa’t bata pa ang apo niya. Gusto niyang dalhin muna sa doktor ang bata para mabigyan ito ng tamang gamot. Hindi siya makautang sa kamag-anak dahil nagkaaway-away na sila tungkol dito.

Isang paraan na lang ang natitira para magkaroon siya ng pera, manghiram siya ng pera sa kanyang kaibigan na treasurer sa paluwagan.

“Pera ng paluwagan ang ipapahiram ko sa iyo. Pero ibalik mo itong hiniram mo sa Sabado, ha? Tuwing Sabado ang pasuweldo namin sa member.” Sabay abot ng P2,000 sa kanya.

Gumaling naman ang kanyang apo pero Biyernes ng hapon ay tumawag sa kanya ang anak mula sa Maynila.

“Inay sa Lunes na lamang ako magpapadala ng pera. Na-confine po ako sa ospital ng dalawang araw dahil sinumpong ako ng matinding hika. Malaki po ang napagbayaran ko sa ospital.”

Wala na siyang naisagot sa anak. Hindi na niya nabanggit na nagkasakit din ang anak nito…na nangutang siya sa kanyang kaibigan at kinabukasan ang palugit sa kanya. Saan kamay siya ng Diyos kukuha ng P2,000? Noong araw ay nagkaroon siya ng masamang reputasyon tungkol sa paghawak ng pera. Nakadispalko siya ng class fund. Siya ang class treasurer. Sa liit na kanilang bayan, ang mga ganoong balita ay parang apoy na kumakalat sa buong kaharian. Mabuti at nakalimutan na ng mga tao ang madilim niyang nakaraan pero baka maungkat muli kapag hindi niya tinupad ang pagbabayad sa itinakdang araw. Kakalat na naman ang balita na nangbalasubas na naman siya.

Dasal siya nang dasal gabi pa lang ng Biyernes. Ang hiling niya sa Diyos ay bigyan siya nito ng P2,000 para ipambayad sa utang. Nang  umaga ng Sabado, habang nagsasampay siya ng labada sa bakanteng lote nila sa likod-bahay, biglang humangin ng malakas. Parang may munting ipuipo sa kanilang bakuran dahil nakikita niya ang hangin na paikot ang galaw. Mula sa umiikot na hangin, may bumagsak na mga dahon at tila mga papel. Nilapitan niya ang ibinagsak ng hangin. Sa ilalim ng mga dahon ay may nakita siyang dalawang P1,000 bills. Binigyan siya ng Diyos ng pambayad sa utang!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with