^

Punto Mo

Ihi, ginamit ng Taiwanese artist para maidrowing si iron man

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAKIKITA raw ang pagiging artists sa paggamit ng mga kakaibang bagay na nasa kanyang paligid. Marami raw napagkukunan ng inspirasyon ang isang artist. Kagaya ng isang Taiwanese graduate art student na nagkaroon ng ideya na gamitin ang kanyang sariling ihi sa kanyang artwork.

Ayon kay Tien-hsiang Huang, umihi siya sa toilet bowl isang araw at napansin niya na ang kanyang ihi ay may kasamang dugo. Kulay pula ang kanyang ihi. At sa halip na mangamba at magtungo sa ospital, nagkaroon pa siya ng ideya na gamitin ang ihi sa paglikha ng artwork.

Mula sa ihi sa bowl nakalikha siya ng dilaw at pulang portrait ng Marvel Book Comic character na si Iron Man.

Mula pagkabata, paborito niya ang mga comic characters na gaya nina Iron Man, Spider Man at Batman. Pero sa lahat, pinaka-paborito niya si Iron Man at marami na siyang nagawang sketches ng comic character. Marami na rin siyang koleksiyon ng Iron Man products.

Sabi ni Huang, estudyante ng Tainan National University of the Arts, pipilitin niyang makagawa ng kakaibang art ukol kay Iron Man at naisip nga niyang gawin ito gamit ang sariling ihi.

Inilahok niya sa contest ang ginawang Iron Man artwork. May 600 artists ang lumahok at may 1,923 artworks ang isinali sa buong Taiwan.

Habang naghihintay sa desisyon ng judge ay dinuduraan ni Huang ang kanyang work na si Iron Man. Ayon sa kanya nagbibigay ng magandang epekto ang laway sa bahaging bibig ni Iron man. Nagiging realistic aniya.

Nang ihayag ang winner, nagulat si Huang sapagkat siya ang nanalo. Ang premyo niya ay US$13,550!

Isa sa mga judges ay nagsabing ang work ni Huang ay kakaiba sapagkat nagmula sa katawan niya mismo ang ginamit para maka-create nang magandang obra.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with