^

Punto Mo

‘Sangla-kolekta modus, bistado ng Kilos Pronto!’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

PANAHON pa ni kopong-kopong ay naglipana na ang iba’t ibang modus o scam. Ang mga manggagantso sabay rin sa usbong ng teknolohiya.

Pamilyar ka ba sa Facebook Page o Group na “Sanla-tira, Buy & Sell Makati City Official”? Pwes, alamin mo ‘to para hindi ka mabiktima.

Sa page na ito makikita ang mga house for rent at iba’t iba pang ari-arian na isinasangla ng mga may-ari nito. Isang Imelda Bayani at Ayrine Ogawa ang mga pendehong nasa likod ng group na ito. Ang biktimang lumapit sa Kilos Pronto, pinagsanglaan ng apartment ng dorobong si Imelda na nagkakahalaga ng P200,000.

Huli na ng malaman ng biktima na may iba pang nadale ang kolokay na kawatan, not one but two ang pinagsanglaan pa ng apartment na isinangla sa kanya. Naloko na! At ang tsekeng ibinayad sa kanila ni Imelda, tumalbog lang. Ang masaklap, peke pala ang land title na hawak nila

Ayon kay Police Chief Inspector Jun Cinco, spokesperson ng Anti-Cybercrime Group, PNP sa Camp Crame, bagong modus ito gamit ang online negotiation o sa internet. Ayon sa datos ng PNP-ACG, online scam ang may pinakamaraming bilang na kanilang natatanggap na reklamo. Noong 2013 hanggang 2015 ay nakatanggap sila ng 1, 211 na kaso at kanilang inimbestigahan.

Samantala sa kasalukuyang datos na hawak nila, nitong 2016 hanggang March 2017 ay nasa 555 online scam na ang kanilang natanggap. Nangangahulugan na sa pagdami ng internet users ay siya ring dagsa ng mga ilegal na aktibidades. Kaya para makaiwas, nanawagan sa publiko si Major Cinco na ‘wag pagkakatiwalaan ang mga taong nakikilala sa social media at hangga’t maaari ay iwasan ang online transaction at engagement.

Hinihikayat din ng PNP-ACG na i-report agad sa kanila kung ikaw ay biktima ng online scam upang mabigyan ng kaukulang ebalwasyon at imbestigasyon.

Kaya kayo mga Juan at Juana Dela Cruz, magsilbing aral ‘to at ‘wag agad sunggab sa mga “akala” n’yong oportunidad para mapalago ang kuwarta n’yo. Tiyakin muna kung lehitimo ang bawat transaksyon kung ayaw n’yong magsisi sa huli.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with