^

Punto Mo

Ang masungit na matandang dalaga

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ITO’Y naikuwento lang sa akin ng isang kaibigan. Isang 53 years old na matandang dalaga ang na-stroke dahil sa hypertension noong isang taon. Sa opisina siya inabot ng atake kaya officemates niya ang nagsugod sa opisina. Ang matandang dalaga ay katulong lamang ang kasama sa bahay dahil nasa Canada na ang lahat ng kanyang pamilya. Kaya problemado ang mga officemates kung sino ang mag-aalaga sa matanda habang hinihintay ang kanyang pamilya mula sa Canada.

Nabalitaan ng mga kapitbahay ng matandang dalaga ang nangyari sa kanya kaya nagprisinta ang mga ito na sila ang maghahalinhinang magbantay dito. Nang lumabas na sa ospital ang matandang dalaga, nagkanya-kanya nang schedule ang mga kapitbahay kung anong oras sila magbabantay. Ang ibang kapitbahay na hindi puwedeng magbantay dahil nagtatrabaho ay ipinahiram ang kanilang mga katulong para kahit paano ay may maibahagi silang tulong.

Pagkaraan ng dalawang linggo ay nagdatingan na ang kapamilya ng matandang dalaga pero hindi pa rin huminto ang mga kapitbahay sa pag-alalay sa matandang dalaga. Hindi malaman ng pamilya at ng mismong matandang dalaga kung paano sila magpapasalamat sa mga kapitbahay.

Ang matandang dalaga ay masungit sa mga kapitbahay. Kaunting diperensiya lang ay agad siyang nagtataray sa mga kapitbahay. Ngayon, hiyang-hiya ang matandang dalaga sa kabaitang iginanti sa kanya ng mga kapitbahay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with