^

Punto Mo

Riot ng mga kabataan sa lansangan, tutukan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Alarming na talaga ang nagaganap na mga gang war ng mga kabataan sa ibat-ibang lugar hindi lamang sa Metro Manila, kundi maging sa mga lalawigan.

Pinakahuli rito ang naganap sa Tondo, Maynila kung saan isang binatilyo na naman ang nagbuwis ng buhay dahil sa naganap na riot.

Tama ng bala ng sumpak sa mukha at ibat-ibang bahagi ng katawan ang naging sanhi ng kamatayan ng grade 8 pupil na taga-Binondo, Maynila.

Bukod pa sa may isa pa ring menor de edad ang nasugatan sa insidente.

May rambulan din ng mga estudyante sa Sampaloc, Maynila.

Ang mga rambulang ito sa lansangan ay madalas na  nakukunan ng CCTV. Dito talagang makikita na kahit na mga menor de edad o kabataan, aba’y kay tatapang at walang takot na isangkot ang mga sarili sa ganung uri ng kaguluhan.

Madalas armado ng baril o sumpak ang dalang armas, o kaya ay panaksak.

Ito ang dapat na matutukan hindi lamang ng kapulisan kundi lalo na ng mga opisyal sa barangay.

Sila kasi ang mas lalong nakakakilala sa mga grupo ng kabataan na laging nagkakairingan sa kanilang nasasakupan.

Sila rin ang dapat na unang makaalam sa mga kilos at galaw ng mga ito at sila rin ang unang nakakaresponde sakaling umusbong ang bangayan.

Sa mga lugar na nagpapatupad ng curfew sa mga menor de edad dapat itong matutukan.

Malaking bagay din ito para makaiwas ang mga kabataan sa panganib sa lansangan lalu na sa hatinggabi hanggang madaling araw.

Lalu na ngayon na malapit na ang bakasyon sa mga paaralan, mas maraming oras ang pwedeng ilagi ng mga kabataan sa kanilang mga kaibigan o barkada kaya kailangang mabantayan.

Maging regular din sana ang pagpapatrulya at pag-iikot hindi lamang ng pulisya kundi ng mga tauhan ng barangay para maagapan o di kaya ay mapigilan ang ganitong mga riot ng kabataan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with