^

Punto Mo

Daliri lang ang puhunan

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

OPEN MINDED ka ba sa business? Sigurado ka bang lehitimo ang pinapasok mong negosyo? Kung hindi, mag-isip isip ka muna bago mo isugal ang kuwartang pinag-ipunan mo.

Kaliwa’t kanan ang mga online business at online networ­king sa panahong ito. Mabilis na paraan ng pagpapalago ng pera, ‘yan ang patok sa iba.

Sino nga ba naman ang hindi mahuhumaling kung ang perang itinabi mo, lalago kahit pahila-hilata ka lang at nakatunganga.

Kaya naman ang iba, sunggab agad sa oportunidad para lang kumita. ‘Di alintana ang posibilidad na sa isang iglap lang, sandamakmak mong kuwarta maglalaho na parang bula.

Tulad na lamang ng reklamong ito na inilapit sa Kilos Pronto. Pangako ng mga dorobo, daliri lang ang puhunan mo. Sa paulit-ulit na pagpindot sa inyong screen, doble o triple ang iyong kikitain. ‘Yan ang bago!

Dalawang libong pindot mo sa isang araw,  kapalit ng P400. Simple lang ang requirement. Basta may computer ka sa bahay at kumpleto ang daliri mo, pasok ka rito!

O di ba? Ang dali lang kumita ng pera? Saan ka pa?

Akalain mo ‘yun, pindot lang ang puhunan maari ka nang yumaman?!  Mas maraming accounts, more chances of winning. Di hamak na mas malaki ang tubo kaysa ilagak mo ang iyong pera sa banko.

Pero kung akala n’yong sinuwerte na kayo, nagkakamali kayo. Dahil sa instant money business na ito, ni isa ‘alang totoo. Dahil ang mga nasa likod nito certified dorobo!

Palabas ng mga tarantado, kung kailan lumaki na ang kita mo saka magloloko ang kanilang system. Pag-aantayin ang mga miyembro hanggang sa maubos ang tubig sa dagat Pasipiko.

Mangangakong ang pera mo ay maibabalik. Pero tulad din ng iba, abracadabra, wala na ang aking pera.

Magtuturuan kung sino ang tunay na may sala para mailigaw ang mga miyembro nila. Sa mga susunod na araw, isa-isa na silang mawawala.

Mga dorobo nga naman, gagawin lahat ng paraan makapanlamang lang.

‘Di naman masama ang magnegosyo pero paalala namin sa Kilos Pronto, doble ingat lang kung ayaw niyong magoyo ng mga dorobo. Dahil sa panahon ngayon kung saan teknolohiya na ang nagpapatakbo sa mundo, sumasabay ang mga manggagantso. Sa oras na mahulog ka sa patibong nila, ‘ala ka nang kawala.

Laging tandaan, If its too good to be true siguradong may dorobo sa likod nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with