^

Punto Mo

Pambihirang identical triplets, ipinanganak sa Kansas City

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

AYON sa isang pag-aaral na isinagawa noong 2003, nasa 20 hanggang 30 identical triplets lamang ang ipinapanganak sa bawat isang milyong panganganak.

Kaya naman masasabing napakapambihira nang mag­luwal si Nicole Choge ng tatlong supling na hindi lamang magkakakambal kundi pawang magkakamukha rin.

Ilang minuto lamang ang pagitan ng pagsilang ng triplets na sina Ron, Elkanah at Abishai, na pawang mga anim na buwan na premature.

Ayon sa mga doktor, madalas talagang ipanganak na premature ang mga kambal. Ang kakaiba raw o ang “one in a million” na pangyayari ay ang maging identical o magkakamukha ang triplets.

May isa nang 2 taong gulang na anak ang mag-asawang Choge at nagdasal daw sila para sa isa pa ngunit ayon sa ama ng mga kambal na si Caleb ay sadyang  tatlong beses kung sumagot ang Maykapal sa mga kahilingan kaya naman biniyayaan sila nito ng triplets.

Ang una raw tuloy na planong  pag-ipunan ni Caleb matapos ang panganganak ni Nicole ay ang pagbili ng mas malaking sasakyan para magkasya silang buong pamilya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with