^

Punto Mo

Tag-init na, banta ng sunog nandyan na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Bagamat hindi pa opisyal na idinedeklara ng PagAsa ang summer season, ramdam na sa maraming bahagi ng bansa ang matinding init.

At kapag ganitong panahon, isa sa mga trahedya na dapat mabantayan o maagapan ay ang mga nagaganap na sunog.

Unang araw lang ng Marso kung saan idineklara na ang Fire Prevention Month ay ilan na ang naitalang mga sunog at nagkasunud-sunod pa sa ilang araw sa buwang ito.

Ito ngayon ang dapat na matutukan ng mga ahensya ng pamahalaan. Huwag nang hintayin pang magkaroon ng malaking trahedya at marami ang magbuwis ng buhay at saka tayo kikilos o doon magsasagawa ng mga inspeksyon lalo na sa mga estbalisimento, mga gusali at iba pa. Parang krimen iyan na nangyayari ano mang oras saanmang lugar.

Mahigpit nang ipatupad ang fire code at iba pang kaugnay na batas ukol dito.

Hindi lang ang Bureau of Fire Protection ang kailangang maghanda tuwing sasapit ang tag-init kung saan doon nga maraming naitatalang sunog, kundi maging ang mga lokal na pamahalaan at mga opisyal ng lalawigan.

Dapat din naman nilang masuportahan nang  bureau sa pangangailangan sa kani-kanilang lugar, marapat may isa man lang silang fire station na may sapat na tao at kagamitan para kung biglang  kailanganin ay agad na makaresponde.

Sana ay natuto na tayo sa mga nakaraang insidente ng trahedya sa sunog. Kabilang nga rito ang naganap noong Marso 18,1996 sa Ozone Disco Club sa Quezon City kung saan halos 160 katao ang nasawi.

Kakulangan ng fire exit ang itinuturong sanhi nang pagka-trap ng mga biktima sa nasusunog na gusali.

May 13, 2015, pitunput-dalawang  katao naman ang nasawi  nang masunog ang Kentex factory sa Valenzuela City.

Kakulangan sa nakakabit na fire alarm at sprinkler system sa gusali ang isa sa nakitang paglabag sa fire safety code. Ayun dahil dito maraming buhay ang nawala, dahil lamang sa mga kapabayaan.

Karaniwang nagaganap ang sunog sa buwan ng Marso hanggang Mayo na dito nga naitatala ang matinding init .

Ang nangungunang tatlong dahilan ng sunog ay electrical connections,napabayaang upos ng sigarilyo, open flame mula sa kalan o sulo.

Kaya naman sa pagpasok  ng Fire Prevention Month, layunin ng BFP na gawing ligtas ang bansa sa anumang maaaring pagmulan ng sunog.. 

Narito ang ilang tips  na may kinalaman sa sunog.

Dapat umanong alamin ang mga exit points sa inyong tahanan o tanggapan. Tanggalin sa saksakan ang mga appliances na hindi ginagamit, iwasan din ang ‘octopus connection’ o ang maramihang pagsasaksak sa iisang outlet. Ayusin ang mga nagkakabuhol ,  lbuhol na linya ng kuryente,. ugaliing ipa-check kung may tagas ang tangke ng LPG, huwag mag-iwan ng nakasinding katol, kandila o kalan..Huwag bayaang maglaro ang mga bata ng posporo o lighter.,

Sakaling sumiklab ang sunog, unahing iligtas ang sarili at mga kasama sa bahay, huwag na ring tangkain pang balikan ang mga gamit kung malaki na ang sunog.

Ilang maliliit na kaalaman na maaring makapagligtas ng isa o maraming buhay, kaya marapat na tandaan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with