^

Punto Mo

Ang kamera sa buhay natin

(AGHAM AT TEKNOLOHIYA) PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

NOONG panahong hindi pa uso ang cell phone at tablet, instamatic camera pa ang gamit ng karamihan ng tao kapag may kailangan silang litratuhan. Maliban sa mga professional photographer na gumagamit ng mga hi-tech na camera, sapat na sa ordinaryong mamamayan ang instamatic pero kadalasan nagdadala lang sila nito kapag kailangan o merong mahalagang okasyon. Dahil wala namang ibang gamit ang mga ganitong sinaunang camera maliban sa pagkuha ng litrato, madalas iniiwan ito sa bahay. Hindi ito kalimitang dinadala sa araw-araw kahit pa sabihing madali namang bitbitin at o isiksik sa bulsa kahit saan ka pumunta. Kaya nga nakakapanghinayang ang mga biglaang okasyon o kaganapan noon sa buhay natin na dahil hindi napaghandaan ay walang dalang kamera para mairekord ito.  Kapag nakakuha ka ng litrato, hindi naman basta ito maipapalabas maliban na lang kung tulad ng Polaroid na meron na agad photo paper na lalabas kasama ang larawan. Kailangan pang dalhin sa isang photo studio para mai-print.

Pero, ngayon, kahit sino at kahit kailan at kahit saan ay maaaring kumuha ng litrato sa pamamagitan ng camera ng mga cell phone, smartphone at tablet. At hindi lang basta camera. Meron ding video camera.  Dahil nga ang camera ay isa sa mga component ng mga gadget na ito, agad siyang nagagamit kapag kailangan dahil nga laging dala-dala ng sino man sa lahat ng oras at araw kahit saan ang mga ganitong “laruan.” Hindi na rin kailangang maging professional photographer dahil sa mga feature na taglay ng mga camera component ng mga smartphone.

Hindi lang sa mga sosyalan, pagdiriwang ng kaarawan at anibersaryo at kasalan, family reunion, Pasko at Bagong Taon nagkakaroon ng silbi ang mga smartphone camera. Nagiging saksi  rin itong tagarekord ng mga kaganapan sa buhay ng tao sa araw-araw at maging sa mga nagaganap na krimen dahil nga lagi itong dala-dala ng gumagamit nito.

Camera o video camera rin ng smartphone halimbawa ang ginamit ng ilang mga pasahero para kunan ang mga abusadong taxi driver. Dahil nakunan ng video at camera na nagsisilbing ebidensiya, hindi nakapalag at humingi na lang ng tawad ang mga inireklamong driver. Dahil na rin sa teknolohiya at social media, mabilis ang pagpapakalat ng mga ganitong litrato. Hindi na rin kailangang maging professional photographer

Marami na ring mga insidente sa buhay natin, masama man o mabuti, na agad na nalilitratuhan at naitatala dahil sa nakahanda nang camera sa ginagamit nating smartphone araw-araw. Tila binago na rin ng teknolohiya ang camera sa buhay natin.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with