^

Punto Mo

Mga paraan para maiwasan ang pagbabara ng ugat

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

MAY ilang nag-email at nag-request na ulitin ang kolum ko noong Disyembre 17, 2017 tungkol sa pagbabara ng ugat at kung paano ito maiiwasan.

Narito ang walong paraan na makatutulong.

1. Panatilihin ang normal na timbang. Kung obese o over­weight, magsimula nang magbawas.

2. Regular na mag-ehersisyo. Humanap ng isang exercise program na puwede n’yong gawin araw-araw. Tiyakin na mag-eenjoy kayo sa gagawing ehersisyo upang maging bahagi na ito ng inyong paraan ng pamumuhay. Ang paglalakad ay mahusay na ehersisyo.

3. Iwasang ma-stress nang matindi. Anumang bagay na nagdudulot ng matinding pag-aagam-agam o pag-aalala ay maituturing na stress.

4. Iwasan ang pagpupuyat. Maituturing din itong stress.

5. Iwasang manigarilyo. O kung naninigarilyo na, ihinto na ito. Kahit ang sinasabing second-hand smoke ay hindi rin maganda. Nakapagdudulot pa rin ito ng pagbabara ng ugat.

6. Kung diabetic, ibaba ang level ng inyong blood sugar tungo sa normal. Mas maiging kontrolin ang inyong blood sugar level hangga’t di pa nada-damage ang mga artery.

7. Panatilihing normal ang blood pressure. Kung may alta presyon na, regular na uminom ng gamot upang mapababa ang BP. Ang marahas na pagsulak ng dugo habang dumadaloy sa ugat kapag mataas ang BP ay nagdudulot ng inflammation sa dingding ng mga ugat.

8. Itsek ang inyong blood cholesterol level. Kung lampas na sa level ng normal, baka hindi na diet lamang ang kailangang baguhin. Marami nang gamot na klasipikadong “statins” na makapagpapababa ng inyong blood cholesterol.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with