^

Punto Mo

99 anyos na australian, nagtala ng bagong world record sa paglangoy

Arnel Medina - Pang-masa

ISANG world record para sa paglangoy ang naitala sa idinaos na trial stage para sa Commonwealth Games na ginanap sa Gold Coast, Australia.

Nakapagtala ng bagong world record si George Corones, na magdiriwang ng kanyang ika-100 kaarawan sa Abril, matapos niyang languyin ang 50 meter freestyle sa loob lamang ng 56.12 segundo.

Si Corones ang tanging kalahok sa 100-104 age group kaya wala siyang ibang kasabay lumangoy.

Bagama’t may hilig na talaga si Corones sa paglangoy dati pa ay nagsimula lamang daw niya itong seryosohin noong siya ay 80 anyos na.

Palagi siyang lumalangoy noong kabataan niya ngunit nahinto raw ito sa loob ng 60 taon matapos sumiklab ang World War II.

Masaya namang ibinalita ng Australian Dolphins Swim Team sa kanilang Facebook page ang nagawa ni Corones sa pamamagitan ng pagpo-post ng “We have just witnessed history in the making!”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with