^

Punto Mo

‘Katamaran o problema’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

PINAPAIGTING ng gobyerno ang mga programa nito para sa maayos na kapakanan ng mga retiradong manggagawa. Ang pensiyon, malaking tulong para sa kabuhayan ng isang Pinoy na kailangan nang mamahinga sa pagtatrabaho.

Subalit sa bawat institusyon ay may itinalagang patakaran na kailangang sundin para maayos na proseso. Sa ating bansa, medyo may katagalan ang pagsasaayos ng pensiyon dahil sa laki ng ating populasyon.

Eto ang nakitang kahinaan ng mga dorobong fixer. Pag umandar ang katamaran ni Juan Dela Cruz, kuwidaw ka, siguradong mabibiktima ka na.

Lumang tugtugin na ang mga panlolokong serbisyo ng mga fixer. Nagpapalit-palit lang sila ng henerasyon at mukha.

Ganunpaman ay iisa pa rin ang estilo ng kanilang modus. Pangakong mapapadali at walang hirap na pagsasaayos ng anumang pangangailangan mula sa gobyerno.

Gaya na lamang ng sumbong na inilapit samin sa Kilos Pronto. Dalawang magkapatid ang nagoyo ng isang dorobo. 

Ang siste, ang kapitana ng barangay ang nagpakilala kay fixer na nagngangalang Rosa Casipig sa magkapatid na biktima. Nais kasi ng magkapatid na makuha ang pensiyon ng yumaong ama na dating miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP). 

Boladas ng bruhang si Rosa, may pensiyon pa rin daw na makukuha ang magkapatid sa Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) dahil dating miyembro ng AFP ang yumao nilang ama. Pangako ni talpulana, siya na ang mag-aasikaso ng mga papeles para mabilis ang proseso. 

Kaya naman ang magkapatid, nagtiwala agad sa manloloko. Pinagbayad sila ng P30,000 kasama ang mga orihinal na dokumento ng kanilang yumaong ama. 

Tatlong buwan ang ipinangakong palugit ng manggagantso subalit simula nang maibigay ng magkapatid ang pera, no-show na ang putok sa buho. Hanggang ngayon, ni anino nito ay hindi makita.

Nang mag-imbestiga ang tauhan ng Kilos Pronto, napag-alaman na wala sa listahan ng PVAO ang pangalan ng yumao nilang tatay kaya wala silang makukuhang pensiyon. Malinaw,  nabiktima sila ng isang dorobong fixer!

Sa mga nakakakilala sa manggagantsong si Rosa Casipig, ipagbigay alam n’yo agad sa amin sa Kilos Pronto. 

Kaya naman ang pangaral namin sa nakakaawang magkapatid at pati na rin sa publiko, di bale nang magtiyagang maglakad ng papeles kaysa ipagkatiwala ang mahahalagang bagay sa taong hindi mo naman kilala. Kaakibat ng katamaran at katangahan ay matinding disgrasya. Kaya kung may tiyaga, may nilaga.

Maging aral sana ito publiko at maging maingat sa mga taong pagkakatiwalaan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with