^

Punto Mo

Internal cleansing sa PNP,tuluy-tuloy lang!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Kung tutuusin maliit na porsiyento lamang sa kabuuang bilang  na  180,000 pwersa ng pulisya ang 398 na mga pulis na tuluyang sinibak sa serbisyo kamakailan.

Ang naturang mga pulis ay sangkot sa ibat-ibang kaso o katiwalian, 167 rito ay dawit sa illegal drugs.

Ito ay sa loob lamang ng 26 na buwan na pinaigting na internal reform o cleansing sa hanay ng pulisya.

Bagamat aminado si PNP chief Director General Ronald dela Rosa, na nasasaktan sya kapag may pinipirmahang dismisal order ng kanyang mga tauhan, pero mabuti na rin at agad na naalis sa hanay ang mga pasaway.

Matagal na ang kasabihang dapat na alisin agad ang bulok  ng kamatis  sa kumpol nito para hindi na mahawa ang iba.

Bukod sa mga ito, meron pang kasalukuyang isinasailalim sa disciplinary penalties dahil sa pagkakasangkot sa kasong administratibo.

At bukod nga sa pagkakadawit ng may 167 sa ilegal na droga, ang iba naman ay nadismis dahil sa pag-aawol, may 10 dawit sa kidnapping, 22 ang murder, tatlo sa rape, meron pang dawit sa parricide at iba pa.

Yung ilan naman hindi man tuluyang nadismis napatawan naman ng iba’t ibang kaparusahan  na mula sa demosyon, suspension, reprimand, nandyan din ang restriction at salary forfeiture.

Sayang nga lang kung kailan marami nang magagandang benepisyo ang naibibigay sa mga pulis partikular ang pagtaas ng sweldo eh mukhang hindi na matitikman ng ilan na naging pasaway sa hanay.

Magsilbi rin umano itong babala sa iba pa na umayos dahil seryoso ang ginagawang paglilinis sa command laban sa mga scalawag, baka makasama ka!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with