^

Punto Mo

Disiplina pairalin sa lansangan

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nakakaalarma na ang ulat ng Japan International Cooperation Agency (JICA) patungkol sa P3.5 bilyon na nawawala sa ekonomiya ng bansa kada araw dahil sa matinding trapik na nararanasan partikular sa Metro Manila.

Bagamat may mga proyekto na ang pamahalaan para matugunan ang matinding trapik na nasa ilalim ng ‘Build, build, build’ infrastracture program ng pamahalaan ng Pangulong Digong, sinasabing ito ay ang long term solution, ayon sa pamunuan ng MMDA.

Ibig lang sabihin matatagalan pa bago natin ito maramdaman.

Kabilang kasi rito ang pagpapalawak sa mass transport system na nakikitang isa sa magiging sagot sa trapik.

Siyempre pa kung maayos ang mass transport, marami sana sa ating mga kababayan ang gagamitin na itong pang-araw-araw na transportasyon, hindi na sila magdadala pa ng mga pribadong sasakyan na magbabawas sa mga behikulo sa lansangan.

Bukod pa ang mga paggawa ng mga lansangan na magbabawas naman sa mga sasakyan sa mga pangunahing daan sa kasalukuyan partikular ang kalbaryong EDSA.

Malaking bagay kung maisasakatuparan ang ganitong malaking mga proyekto, yun nga lang gaya na nasabi natin medyo matatagalan pa ito bago makamit ang ginhawa.

Sa ngayon, syempre tiis-tiis kahit matagal na tayong nagtitiis, pasensiya  lang at higit sa lahat gaya ng panawagan ng pamunuan ng MMDA pairalin ang disiplina sa motorista.

Ito umano ang mga short term solution na pwedeng isagawa na maaaring kahit papaano ay makalutas sa problema.

Kung sabagay talagang may konek din ang kawalan ng disiplina sa lansangan sa nararanasang trapik.

Kung walang disiplina at balatuba sa daan ang isang driver o motorista hindi lang trapik ang madudulot nito,  kundi  maging ang digrasya o aksidente sa daan ay siguradong patuloy na tataas.

Dapat ding matutukan ang mga establisimiyento o structure na itatayo mismo sa kalsada.

Hindi nga’t ba’t natuklasan na ilang mga opisyal mismo ng barangay ang siyang pasimuno rito na nagtayo ng kanila brgy. hall sa mismong bangketa ang ilan nag-extend pa sa kalsada. 

Kaya nga kung mayroong disiplina, pwedeng kahit papaano maramdaman sa kasalukuyan ang pag-ayos sa mga lansangan.

Naniniwala pa  rin tayo sa kasabihang ‘Sa ikauunlad ng bayan, disiplina ang kailangan’.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with