^

Punto Mo

‘Sugar-free’

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

CONSCIOUS na tayo ngayon sa labis na pagkain ng matatamis o maging sa pag-inom ng matatamis na juice at softdrinks. Gusto na itong iwasan ng marami, may diabetes man sila o wala. Sabi nga, healthy eating para sa healthy living. At dahil napakarami na rin ng kaso ng diabetes sa Pilipinas, mapapansin na ang mara­ming produktong  mabibili sa mga tindahan/supermarket ngayon ay may nakalagay na “sugar-free.” Kahit nga ang paborito nating mga softdrinks ay may inilabas na ring “light” o “zero” (gaya ng Coke Light/Coke Zero/Pepsi Light).

‘Yung iba namang produkto ay may nakasulat na “no sugar added.” Pero kapag tiningnan ang nakadikit na “Nutrition Facts” sa pakete, mapapansing marami pa rin itong taglay na asukal. Wala nga lang sigurong dagdag na asukal pero marami ng taglay na asukal ang produkto. Minsan ay nakalilito ang ganitong packaging. Naipagkakamali nating “sugar-free” ang katagang “no sugar added.” Magkaiba ito.

Pero puwede bang kumain o uminom ng maraming “sugar-free” foods at drinks ang mga diabetiko tutal ay “sugar-free” naman?

Hindi po. Maaari ngang ang isang pagkaing may label na sugar-free ay nagtataglay ng kulang sa 0.5 gramo ng sugar kada serving pero dapat nating tandaan na mayroon pa rin itong taglay na calories at carbohydrates. Ang carbohydrates, kapag pumasok sa katawan, ay nagiging sugar din sa anyong glucose. Kaya  kahit pa may tatak na “sugar-free” ang isang pagkain o inumin, ang dapat ay hinay-hinay lamang tayo sa pagkain o pag-inom nito.

 Halimbawa, may dessert na inihain na sinasabing sugar-free. Pag-isipan natin kung gaano karami lamang ang dapat nating kainin. Maaari ngang zero ang taglay nitong sugar pero baka naman nagtataglay ito ng 70-100 calories at kung ilang gramo ng carbohydrates. Oo nga’t kalahating tasa lang ang nakain natin pero baka marami ring nakapasok na calories at carbohydrates sa ating katawan.

Sa mga diabetiko, maipapayo kong iwasan na ang pag-inom ng mga softdrinks at fruit juices. Nagtataglay kasi ito ng maraming asukal. Mas maiging uminom na lamang ng tubig. Hindi na natin kakailanganing mag-alala pa sa sugar content. Pero kung hindi tayo makakaiwas sa pag-inom ng softdrink, maiging piliin na lamang ang may tatak na “light” o “zero.”

 Ang mga sweetener o pampatamis na ginagamit ng mga produktong sugar-free (gaya ng aspartame, saccharin, sucralose, o acesulfame potassium) ay maaaring calorie-free din pero may iba pang sangkap ang ating kinakain bukod sa sugar. Nandiyan din ang protein, fat, carbohydrates, at calories na tinataglay ng iba pang sangkap ng pagkain. Dapat nating isaalang-alang ito.

 Huwag basta na lamang maniwala sa mga nakalagay na “sugar-free” sa mga pakete ng binibili nating pagkain o inumin. Basahing maigi ang listahan ng mga sangkap ng naturang pagkain/inumin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with