^

Punto Mo

LSD

Butch M. Quejada - Pang-masa

SA pagtira ng drogang LSD o lysergic acid diethylamide nag-trip ang isang kelot dyan sa Mandaluyong na siya si Superman kaya naman tumalon ito mula sa ika- 34 palapag ng isang gusali sa nasabing place.

Ano ang nangyari?

Siempre tigok!

Nagtataka tayo ng mabalitaan natin LSD ang tinira ng kelot at syota nito dahil noon pang dekada 70 nauso ang drogang ito na tinitira ng mga ‘hippies’ noon. 

Dahil sa LSD maraming ‘hippies’ ang nasira ang ulo karamihan sa kanilang ay napunta sa mental hospital dahil sa tindi ng tama nito kapag nakatira ang isang tao.

Ang balita kaya tumira si Superman ay para ganahan sila sa ‘sex’ ng kanyang syota kaya hayun sa awa ng Maykapal...tigok ito!

Sana masugpo ng mga alagad ng batas ang drogang LSD dahil marami itong sisirain kabataan sa Philippines my Philippines.

Bakit?

Totoong masarap!

Abangan.

* * *

Itaas na ang sahod, pls!

 

SUMAMA sina ACT Teachers Reps. Antonio Tinio at France Castro sa All Government Employees Unity para iparating kay Boss Digong ang kanilang kahilingan na ngayon na dapat itaas ang dagdag sahod para sa mga government employees at hindi sa 2020 pa.

 

Ang grupo ay isang koalisyon ng samahan ng public school teachers, health workers at lahat ng civilian personnel sa Philippines my Philippines, ay  humihingi ng P16, 000 minimum monthly salary sa Salary Grade 1 para sa civilian personnel, P30,000 para sa entry-level pampublikong guro at nurses, at P31,000 para sa Instructor I sa state universities and colleges.

Sabi nila hindi na sila maari pang maghintay ng dalawang taon para maitaas ang kanilang sahod lalo ngayon pataas ng pataas ang lahat ng mga pangunahin bilihin, pamasahe, pagkain echetera base na rin sa pinatutupad na TRAIN law ng gobierno. 

Ika nga, ang mahirap ay lalong maghihirap!

Ayon sa mga ulat, ang may anim na miembro ng pamilya ay dapat sumasahod ng  P34,350 kada buwan.

Bakit kaya sa 2020 pa gustong itaas ang sahod ng mga taong gobierno ni Boss Digong?

Ang mga pulis at militar kabilang ang mga non-uniformed personnels ng mga ito ay dinagdagan nang sahod kaya maligaya sila sa ngayon.  

Sabi nga, paano kami?

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with